TOWDE 08

156 19 6
                                    

A/N: I'm here again. Walang gawain sa school kaya nakasingit ang paga-update hahaha natapos ko na din yung mga modules.

Ngayon ko lang binasa ng todo yung last chapter, nakakaloka ang daming typo. Hahahaha sana maintindihan niyo pa din. Medyo nanlalabo na kasi yung mata ko (ulit) gawa ng hindi na updated yung salamin ko. Hindi pa kasi ata bukas yung EO dito sa amin. So ayun. Enjoy reading na lang! Haha. 1.7k words to. Sabi ko hindi na ako mag exceed ng 1.5k words eh. Sinusulit ko na hahaha
----
"W-what the heck, Labrant?! Tanggalin mo yung akbay mo! Pinagtitinginan tayo!" sabi ko sa kanya.

"Yaan mo sila. Inggit lang yan." sabi niya at inaya na akong maglakad.

"A-anong... Hoy! Anong kakainggitan nila eh wala namang katotohanan yung pinapaniwalaan nila!"

"Ano ba pinapaniwalaan nila?"

"Na ano... Na..." sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Na?"

"Na tayo..."

"Oh? Pinapaniwalaan nila yun?"

"Seriously? Hindi mo alam?  Eh nakita nga kita nagc-"

"Wala bang katotohanan yun?" sabi niya at ngumisi.

Nanlaki yung mata ko. "What happened to you, Lab?!"

"Nothing, Love. Hindi ba pwedeng nagkaroon lang ako ng lakas ng loob?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Lakas ng loob saan?"

"Hmm. Kung ikaw lang din naman ang makakasama ko sa issue na to, I'll accept it with wide open arms."

"What?! Why?"

Magsasalita na sana siya kaso pinaghiwalay na kami ni Li. Sayang.

"Hep hep!"

"Hooray?" sabay na sabi namin ni Labrant. Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Buang.

"Heh! Mamaya na kayo magbonding. Papasok na kami, Kuya. Dun ka sa kabilang building. Babush."

Ngumiti naman si Labrant kay Lianne at ginulo yung buhok nito. Pagkatapos nun ay tumingin siya sa akin, lumapit at hinalikan ako sa noo.

PUTAKTE!

Sa sobrang gulat ko, hindi ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi. Nakita ko na lang siyang umalis. Nakabalik ako sa kasalukuyan ng hilahin ako ni Lianne papasok sa classroom at saka ko narinig ang tilian ng mga nasa paligid.

Hindi ko na inintindi yung tanong sa akin ng mga kaklase ko kasi hindi pa rin ako makapagsalita. Hanggang sa nakarating kami ni Lianne sa upuan, tulala pa din ako.

Gusto kong tumili! Gusto kong magwala! Hindi ako mapakali! Gusto kong ilabas yung kilig ko!

Shemay! Si Labrant ba yon? Bakit lumandi? Baka si Kuya Lester yon? O baka si Kuya Loki? Bakit siya ganun?

Atsaka Shete. Big deal ba talaga sa school na to si Labrant? I mean, ganun siya kasikat? Na napakalaking bagay kapag involve siya sa ganito?

"Li..."

"Sa wakas! Nagsalita ka din! Kanina pa kita kinakausap! Ano? Sa sobrang kilig mo hindi ka na makausap?"

"Li... Si Labrant ba yun?"

"Ang alin?"

"Yung... Yung... Kasama natin kanina na humalik sa noo ko? Yung nakaakbay sa akin kanina?"

"Ano na namang kawirduhan yan Mortelle? Malamang si Kuya Labrant yon!"

"Baka si Kuya Loki yun? O si kuya Lester? Bakit ganun siya?"

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon