TOWDE 02

309 26 7
                                    

Natapos ko nang basahin yung book. Sa isang upuan lang.

Yes, I am that addict.

Tumagal ng nearly 4 hours ang pagbabasa ko kaya naman late na ako nakatulog. Mabuti at wala akong pasok kinabukasan.

Bago ako matulog, nagcheck muna ako ng mga messages sa Messenger ko at nakita ko namang nagchat si Lianne sa akin.

'Besh, wala namang class bukas diba? Tara punta ka sa bahay. Bonding tayo.'

Agad naman akong nagreply sa kanya.

'Oks. What time?'

'kaladkarin talaga. Hahahah. Kahit mga after lunch na para meryenda na lang kakainin natin hahahah'

'tagtipid ka ghorl? Hahaha'

'medj. Bakit ikaw hindi?'

'tag tipid din. Pero pag puds, wapakels ahahah'

'hahahaha buset. Sige na kita na lang tayo bukas.'

'see you besh!'

Pagkatapos namin mag usap ay natulog na ako.

On the way na ako kila Lianne, bigla siyang nagchat sa akin.

'sizxt di ko nasabi sayo. Nandito pala si kuya kala ko aalis eh. Oks lang ba? Dont worry sa kwarto ko na lang tayo.'

Nagreply naman agad ako.

'sino dun? Tatlo kuya mo be hahaha'

'si kuya Labrant.'

Si Labrant? Yung masungit? Tss.

'ay ganun? Sayang kala ko si kuya Les hahaha'

'okay lang yun. Parang wala din naman si Kuya Labrant dito kasi tahimik naman yun at di naman tayo pinapansin. Wag lang tayo maingay hahaha pero oks lang ba talaga?'

'gaga. Otw na nga ako. Eto na papasok nako ng subd niyo. Oks lang yun. Wag lang siya magsungit.'

'ayun buti naman. Sige ingat ka! Labyu.'

Hindi na ako nagreply sa kanya dahil malapit naman na ako sa bahay nila.

Actually, parang gusto ko na talaga umatras. Nahihiya kasi ako kay Labrant. Ewan ko ba. Ang lamig niya kasi. Nakakaintimidate. Feeling ko bawat galaw ko dapat kalkulado at de numero. 'Pag may mali akong galaw baka may masabi siya. Tapos 'pag titignan niya pa ako parang giniginaw ako bigla.

Pero dahil nandito na ako sa tapat ng bahay nila at magdodoorbell na ay hindi ko na inisip yun. Yaan mo na siya. Nando'n naman kami sa kwarto ni Lianne eh.

Nakadalawang pindot na ako sa doorbell ngunit wala pa ding nagbubukas. Pangangatluhan ko pa sana ng biglang bumukas yung gate at bumungad sa akin ang isang mukha ng lalaki na aburido at magulo yung buhok. Parang kakagising niya lang pero maniwala man kayo sa hindi, natural niyang ayos yan.

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Nung nakita niya ako ay biglang kumalma yung itsura niya. Pero parang wala namang nagbago. Di ko nga alam bakit ko yun napansin.

"Pasok ka." Nagising yung diwa ko sa boses niya. Wala pang ber months pero giniginaw na ako dahil sa lamig nung dating.

"Ahm. Salamat."

Tinanguan niya lang ako at nauna na siyang pumasok sa bahay nila. Hindi man lang ako dalhin kay Lianne. Medyo rude siya doon. Sabagay madalas na din naman ako dito dahil kay Lianne.

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon