TOWDE: Special Chapter

91 9 2
                                    

A/N: nakakamiss naman mag-update dito sa TOWDE HAHAHAHA
---

"Hello?"

"Telle? Nasaan ka na?"

"Nasa pila na, Love."

"Really? Wait. I'll ask a staff para i-escort ka ng maayos papasok dito."

"No! No need to do that. Huwag mo akong bigyan ng special treatment porket book signing mo. Gusto ko din naman maranasan na maging normal fan girl mo." Sagot ko sa kanya at tumawa.

"You're being weird again." Hinuha ko ay napapailing pa siya.

"But, you love this weird person here, right?"

He chuckled. "Yeah. So much."

Napangiti ako sa sinagot ni Labrant. Hindi ko maiwasang maalala yung mga panahon na halos hindi ko siya makausap kahit isang palitan lang ng conversation. Time really fly so fast. We've been a couple for almost two years already.

"Oh sige na. Umuusad na yun pila." Paalam ko at tumanaw sa entrance ng hall. Nagsisimula na silang magpapasok.

"Are you sure okay ka lang dyan? Hindi ka naman nahihirapan na makapasok?" Paninigurado niya.

"Hindi nga. Ang kulit. Maayos yung pila at wala kahit na anong mang stampede, don't worry." Sagot ko at naglakad paharap dahil onti-onti nang umuusad yung pila.

"Just call me if you need anything. Take care, okay?"

Hindi ko maiwasan ang matawa. "Love, are you nervous?"

"Why do you asked?"

"Because you don't want to drop the call?"

Bumuga siya ng marahas na hininga. "Yeah. I'm so nervous kaya gusto kitang makausap."

"Hey. Just relax, okay? I'm just here. Prepare yourself na. I'll end the call."

"Okay." Napipilitan niyang sabi. "I love you."

"I love you, too. Bye."

Nang maibaba na namin yung tawag ay saktong nasa entrance na ako. Pinakita ko na yung ticket ko at chineck nila yun. Wala pang ilang minuto ay pinapasok na nila ako.

Ngayon araw ang book signing ng isa sa mga pinakasikat na writer ng buong bansa. Walang iba kundi si Stoic.

Yes, book signing ni Labrant ngayon and he decided to finally reveal his true identity a few months ago. Ngayon ang first appearance niya sa public.

I'm so proud of what he become. Ang dating mukhang walang pakialam sa mundo at mahiyain, ngayon ay isa na sa mga sumisikat na manunulat ng bansa.

After he wrote and published The One Who Doesn't Exist, I encourage him to pursue his passion in writing. Nung una ay hindi niya alam kung kaya niya ba pero sa nakikita ko ay doon siya dinadala ng passion niya. Sa kabila ng katalinuhan niya sa lahat ng bagay, mas nakita ko siyang naging higit na masaya sa pagsusulat.

Kaya nga siya nagkagusto sa book worm eh. Char.

Despite of having a position in their company, hindi niya iniwan ang writing. Sabi niya ay gusto niya daw akong mapasaya kaya niya sinusunod yung gusto kong gawin niya.

Echos siya. TOWDE lang ata ang happy ending na novel niya. Pagkatapos nun ay wala na siyang sinulat na happy ending! Lahat may namamatay at hindi nagkakatuluyan! Idagdag mo pa na nag-iba siya ng genre ng novel. Naging mystery at crime yung genre niya.

Pero kahit ganun ay namamangha pa din ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na may ganun siyang tinatagong talent. I am a proud fiance.

For the past year, sobrang naging masaya ako sa piling ni Labrant. He is not showy but he is sweet in his own ways. And that is enough for me. Ayokong baguhin niya yung sarili niya para lang ma-please ako. I love him for him and that's final. Kahit sino pa siya at kahit snob siya madalas, kahit sa akin, ay mahal ko pa din siya. That's him at alam ko sa sarili ko na hindi nagbabago yung pagmamahal niya sa akin. Wala eh, sa pagiging ganyan niya ay nagkagusto ako sa kanya.

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon