TOWDE 10 (Final)

211 22 25
                                    

A/N: Sure na 'to? final chapter na 'to? Serious na to? Huhu.
----
Napatanga ako sa sinabi niya.

Si Labrant? Si Labrant yung nakapulot? Pero sabi niya wala daw siyang nakita na libro dun. So nagsinungaling siya? Bakit? Anong purpose niya?

Shemay. Nadagdagan na naman yung iniisip ko.

"Mukhang hindi ka makapaniwala kaya hindi ka na nagsalita."

"I'm shocked."

"Halata ko nga. Tsaka expected ko na din naman na hindi mo alam eh. He is so mysterious and unpredictable. Kumikilos yun ng walang nakakaalam and the next thing you knew, tapos niya nang gawin yun."

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Sumasakit na yung ulo ko kakaisip.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Nag-aalala na siguro siya.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang uunahin ko." sabi ko na lang at yumuko.

"Hmm. Why don't you begin by asking him questions? Siguro naman sasagutin ka niya kasi nga girlfriend ka niya."

"Actually, we're not. It's just a misunderstanding."

"Really? Then why he isn't denying it? You see, matagal nang may naiissue sa kanya na kung sino. Kahit nga ako eh. Pero wala pang isang oras, tinatanggi niya agad kaya hindi na kumakalat. Pero yung ngayon, hindi pa rin siya nagsasalita, pabor pa nga ata siya. So majority of the students here in this school is assuming that you two are dating because no one from the both of you is denying it. Maybe now, hindi kayo. But soon, I know, magiging kayo. Si Labrant pa ba? Kapag may gusto yan hindi pwede hindi mangyayari."

Gusto?

"Pero bakit naman siya hindi magdedeny? Eh wala naman talagang kami."

She looked at me flatly. "Hindi ko alam kung manhid ka ba o nagmamanhid-manhidan. Girl! Di mo pa ba feel?"

"Ang?"

"Why dont you ask him?" sabi niya sabay turo sa likod ko.

Lumingon naman ako at nakita ko si Labrant na nakatayo lang hindi kalayuan sa amin. Walang expression ang mukha niya pero hindi siya mukhang galit.

He just look... Stoic.

Stoic. Siya ba talaga?

Onti onti siyang lumapit sa amin pero nasa akin ang tingin niya. Nang makalapit siya ay onti onti siyang ngumiti. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Putakte. Putakte ulit.

"So, paano ba yan, alis na ako. Mag-usap na kayong dalawa nang magkaaminan na kayo." tumayo siya sa kinauupuan niya at tumingin sa amin. "Fighting!" umalis na siya at iniwan na kami.

Kaming dalawa na lang ang naiwan at napaka-awkward!

Nakatingin lang siya sa akin, ako naman ay hindi makatingin sa kanya.

Nakaka-ilang.

"I know you have a tons of questions. Marami tayong oras. Itanong mo na."

Tumingin ako sa kanya. Maraming maraming tanong ang nasa isip ko na itanong kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

Hindi pa din ako makapagsalita. I'm still shocked and confused sa sinabi kanina ni Shahani.

Huminga siya ng malalim. "Mukhang hindi ka makakapagsalita. So ako na lang ang magkukwento." tumayo siya ng maayos sa harapan ko. Nilahad niya ang kanyang kamay, "let me introduce myself." tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti "I'm Stoic."

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon