TOWDE 05

173 21 3
                                    

I still can't believe it.

OMG.

OMG.

OMG.

Hanggang sa makauwi ako ay lutang ang isip ko at para pa rin akong nasa cloud nine. Putakte talaga! Kinikilig ako!

Nandito ako ngayon sa kwarto at pagulong gulong habang yakap yakap pa din yung libro ko.

Nakangiti kong binuklat at binasa ulit yung dedication letter sa akin ni Stoic.

Dear Telle,

First of all, thank you for reading and supporting my story. It is such a great pleasure to me. You have given me an encouragement to write more.

Sorry, napakialaman ko yung buong libro and nakita ko yung mga notes and highlights ng nga paborito mong scenes. That is also the exact scenes I love the most habang sinusulat ko to. Peace yow!

Hope to meet you soon! Sana makilala natin ang isa't isa :)

Keep on dreaming! Stay safe! Love lots!

- Stoic

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at tumili para hindi marinig nila Mama na nasa kabilang kwarto lang.

Habang nagdidiwang ay natigilan ako kasi biglang pumasok lahat ng realization at katanungan sa utak ko.

Si Stoic ba yung nakapulot nito? O kakilala niya lang? Stoic is our schoomate? Who is Stoic? Lalaki ba siya o babae? Does Stoic knows me? Because he or she calls me Telle. Only my friends called me that.

"Aha!" biglang sabi ko nang may naisip akong idea na pwedeng gawin upang malaman ko kung sino ang nakapulot nito. Bukas pupunta ako sa LAF Office para malaman ko. Sana lang ay pwede at bigyan ako ng info ni Sir Quirino. Tutal, mukha naman siyang mabait.

Panigurado ay makakatulog ako ng matiwasay at may ngiti sa labi dahil sa nangyari kanina.

Papatulog na ako nang biglang may pumasok sa isip ko na mukha ng isang tao. Namumula ang kanyang tenga at parang naiilang na kausapin ako. Nauutal pa nga.

Napabalikwas ako ng bangon bigla na parang nagising ako sa isang masamang panaginip.

Masama kasi bawal yun. Bawal.

Takte. Bakit pumasok sa isip ko yung mukha ni Labrant na gwapo at namumula na kinakausap ako?

Sabi ko bawal, Self. Bukod sa kapatid siya na best friend mo, hinding hindi mo siya maaabot.

Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. Matalino siya, average ka. Marami siyang achievements, loyalty award lang meron ka. Sikat siya, ikaw hindi. Kaya huwag, self. Kung ako sayo itigil mo na itong kakaisip sa gwapo niyang mukha, matangos niyang ilong, mapupula niyang mga la-

Sabing stop na eh.

Binatukan ko naman yung sarili ko dahil para akong baliw na nakikipag away sa maharot kong sarili. Feeling ko ang sama sama ko kasi pinagnanasahan ko yung mukha ng kapatid ng kaibigan ko. Nakakahiya ka, Mortelle!

Kailangan kong ialis sa isip ko si Labrant at magfocus na tuklasin kung sino ba si Stoic.

Sinisermonan ko pa din ang maharot kong sarili sa isip ko hanggang sa makatulog ako. Pero yung mukha ni Labrant na nagbablush pa din ang nasa isip ko. Hays.

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon