TOWDE 04

186 22 1
                                    

A/N: Napahaba ang chapter na ito hahahah dapat 1.5k words lang to eh. Naging 1.8k Hahaha

Okay. Basa ka na ulit.

----

PUTAKTE!!!!

"Uy. Tahan na. Hahanapin na lang natin yun. May pangalan mo naman yun diba?" Alo sa akin ni Lianne.

"Paano kung hindi natin mahanap?" Sabi ko naman.

"Mahahanap natin yan. Tandaan mo lang kung saan ka nagpunta. Tapos pupuntahan natin yun. Magtanong na din tayo kung may nakapulot."

Inub-ob ko lang yung ulo ko sa arm chair at inisip kung saan ba ako nagpupu-punta pagkatapos naming tatlo pumunta ng canteen kanina. Student Park, canteen at classroom lang ako nagpunta.

"Bumili ka na lang kaya ng bago? Mura lang naman yun siguro." Suggestion ni Lianne.

"Hindi pwede! May mga notes akong nakalagay dun tsaka mga highlights. Kahit last week ko lang yun binili, yun yung favorite book ko kaya ayokong bumili basta basta."

"Marami pa naman kopya ng The One Who Doesn't Exist sa bookstore. Ibibili na lang kita. Tumahan ka na."

"Ih! Ayoko nga!" Malapit na talaga akong magtantrums na parang bata kasi hindi ko na talaga alam kung saan hahanapin yung libro ko.

Kanina, nang makabalik kami sa classroom ay balak ko sanang basahin ulit yung The One Who Doesn't Exist habang naghihintay ng teacher. Kaso pagkatingin ko sa bag ko, wala siya dun.

And it is a very horrible happening for the bookworms like me. My books are my treasure. Bawat isang libro ko ay may sentimental value sa akin. Kaya ang sakit isipin na baka nahulog kung saan yung libro ko at tinapaktapakan na ng mga walang hiyang estudyante na walang pakialam sa mga libro.

Dahil sa naisip kong yun ay lalong lumakas yung pag-iyak ko. Naalarma naman hindi na lang si Lianne kundi pati na rin yung mga kaklase kong nasa room na katulad din naming maagang nakarating sa room.

"Lianne, anong nangyari kay Mortelle?" Tanong ng isa kong kaklase na chikadora.

"Yung libro niya kasi nawawala. Baka may namataan kayo or may nahagip ng paningin niyo na libro dito sa buong campus." Sagot naman ni Lianne.

"What book?"

"The One Who Doesn't Exist yung title."

"OMG! Yung kay Stoic? Meron ka na nun, Mortelle?" Sagot naman nung kaklase ko.

"Oo. May nakita ka bang ganung libro na nahulog dito sa campus?" Sagot ko.

"Wala eh. Pasensiya na. Pero alam mo, limited copies lang ang meron nun. Kaya swertihan na lang yung makakuha at makabili nun. At isa ka sa mga pinagpala."

"Kaso nga nawawala!" Sabi ko na bugnot na bugnot na. Sumasakit na ulo ko kakaisip.

Marami pang nagtanong na mga kaklase namin. Yung iba ay na-OA-yan sa akin. Yung iba naman ay nakisimpatya lalo na yung mga bookworm din na gaya ko kasi alam nila at naiintindihan nila yung pakiramdam ko.

Sana naman ay may makahanap nun at ibigay sa Lost And Found ng school.

Dumating na yung teacher namin at nagdiscuss na. Sinubukan kong magfocus sa tinuturo ng teacher kaso napupunta pa din yung isip ko sa kung nasaan ang libro ko.

Oh, my precious book! Magpakita ka na sa akin. Okay lang kahit lukot ka na. Basta magpakita ka na sakin.

Pero syempre joke lang yung kahit lukot na. Makakasapak ako kapag nakita kong may bangas na. Pero pasasalamatan ko muna yung nakahanap tapos saka ko susugudin.

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon