TOWDE 06

158 19 5
                                    

Hila hila niya din at hawak ako sa aking kamay hanggang sa makarating kami sa main building. Nagpapapalit palit lang ako ng tingin sa mukha niyang nakangiti pa din at sa kamay naming magkahawak. At yung puso ko, ang bilis ng tibok. Parang hindi na ako makakahinga. Pero kahit ganun...

May ngiti sa labi ko. Isang masaya at satisfied na ngiti.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakangiti ng ganito. Ngiti nang dahil sa pag-ibig.

Aaminin ko na. Matagal na akong may gusto kay Labrant. Nakakagwapo talaga yung pagiging misteryoso niya. Pero hindi yun yung nagustuhan ko sa kanya.

I love the way he respects and takes care his relatives especially the women in their family. He doesn't show it by words but by actions. Nakikita ko yun everytime na nasa bahay nila ako. The way he kisses Lianne or their mom in their foreheads with love in his eyes? It's sweet. How I wish he will do that to me, as well.

And have you ever heard of the quotation "Intelligence is sexy"? He is the epitome of that. The way he talks everytime there's debate in our school, mapapahanga ka talaga. Parang gusto mo na lang makipagdebate sa kanya para marinig mo yung conviction sa mga salitang sinasabi niya kasi nakakahulog talaga. And he is an achiever! Sinong hindi magkakagusto sa kanya?

And those eyes. Those tantalizing eyes that is avoiding my gaze everytime I look at them. Hindi ko alam kung bakit pero siguro hindi talaga siya sanay sa eye contact.

Maituturin kong isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya dito sa school pero hindi ako yung nagbibigay motibo at naghahabol. As much as possible, I am treating him as casual as I could.

I am secretly giving myself a restriction to him because he's my best friend's brother. That would be awkward, right?

"Telle." Napukaw ang atensyon ko sa boses niya.

"H-ha?"

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"A-ah... Okay lang ako."

"Sure?"

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

"Salamat nga pala, ah?" sabi niya at lumingon sa akin nang nakangiti.

NAKANGITI NA NAMAN SIYA!

"S-saan?" Sabi ko na parang lutang. Bwiset. Bakit pa kasi ngumiti?

"Kung hindi dahil sa pagtawag mo sa akin kanina dun, baka nandun pa din ako hanggang ngayon."

Dahil sa sinabi niya, nagflash back agad sa akin ang nangyari kani-kanina lang at doon ko narealize na hawak pa nga pala niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin. Dahil sa ginawa kong iyon, napatingin din siya at nagkatinginan kami. Dahan-dahan niya naman akong binitawan. As in dahan dahan na parang labag sa loob nyang bitawan ako. Nag-iwas naman ako ng tingin at ganun din siya. Ang awkward, putek.

"Ahm. Bakit ka nga pala nasa building namin? Hanap mo ba si Lianne?"

"Ahh... Hindi. Ikaw talaga yung sadya ko dun." Sabi niya sa akin na sa iba pa din nakatingin.

Ano?! Ako daw?!

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? May kailangan ka ba sa akin?"

"Lianne texted me. Sabi niya kung pwede ba daw na samahan kita sa LAF kasi biglaan nga daw na nay meeting sila."

"Takte. Tinext ka pala talaga niya."

"Yep."

"At pumayag ka talaga, ha."

"Yes. Why not? May mali ba dun."

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon