Leila
Lumipas ang linggo at dumating na ang pinakahihintay kong araw. I'll take my first step as an Iska. Ilang buwan ko itong pinaghandaan kaya hindi pwedeng hindi ko i-feel ang moment na ito. Hindi lahat nabibigyan ng prebilihiyo para makapag-aral sa prestihiyosong unibersidad sa bansa. Kung sa iba, wala lang sa kanila. Para sa akin naman, it's my biggest achievement so far.
"You look great today, honey" salubong na sabi sa'kin ni Mom habang pababa ako sa hagdan. Nagawa ko pa ibuhaghag ang aking buhok sa kanan kong kamay.
"Eh kanino pa ba kasi ako magmamana kung hindi sa inyo ni Papa" sabay ko naman. Hinalikan ko ito sa pisngi saka na lumakad papunta sa kusina kasama siya.
Mula roon ay kita ko na din si Kuya Lewis na nakabihis na. Dalawang bag ang dinadala niya dahil ang isa ay para sa training niya sa basketball team. Yeah, you heard it right. Kuya Lewis is now part of the UP Men's Basketball Team.
Gusto nga ng coach nila na doon na siya sa dorm mag-stay but he always insisted na uuwi na lang sa'min. Hindi kasi sanay na nakikitulog sa ibang lugar. Kahit gabi na, ke lasing na yan, hahanap at hahanap siya Ng paraan para makauwi sa bahay.
"Eh bakit ba kasi tinanggihan mo yung offer nung Coach mo, anak. It's a good offer para everytime, Hindi mo na kailangang magdala ng dalawang bag at umalis ng maaga" wika ni Dad saka niya tinupi ang diyaryong kanina ay binabasa niya.
"Oo nga naman Anak. Tama ang tatay mo. Baka magsawa ka lang kasi araw-araw mong gagawin yan lalo pa't sa September na ang start ng UAAP, Hindi ba?" sabay ni Mom na ngayon ay sinasandok ako ng kanin.
Inabot ko ang kanin kay Kuya na malugod naman niyang tinanggap. Napatingin pa Ito sa'kin.
"Paano si Leila, Mom? Dad? Alam niyo namang dalaga na siya, walang magbabantay sa kaniya dito. Gusto ko binabantayan ko siya lagi para kapag may magtatangkang awayin siya, ako muna ang makakaharap nila"
Napatayo ako bigla sa winika niya. Kuya's been vocal lately lalo na kapag tungkol sa akin, but may sense naman. Napaakap ako sa kaniya saka siya hinalikan sa pisngi.
"Ano ka ba, Kuya. I'm a grown woman na. Malapit na kaya debut ko. Saka ano ka ba, oras naman na para isipin mo yang love life mo. Tuyong-tuyo eh" depensa ko sa kaniya saka na naupo sa puwesto ko.
Nilunok nito ang kaniyang kinakain saka siya nagsalita.
"Ano ka ba, Lei. Wala pa sa'kin ang magkagirlfriend. Gusto ko, kapag pumasok ako sa relasyon, dapat handa na ako in all aspects. Physically, mentally, emotionally and spiritually"
Kuya Lewis is truly smart person. I mean, planado niya ang lahat. Meron siyang task sa buhay na kailangan niyang tapusin, kailangan niya munang makamit bago pagtuunan ng pansin ang susunod.
"Hindi ba parte naman na iyon, na kapag nagmahal ka, masasaktan ka. That's inevitable." depensa ko ulit saka nainom ng juice.
"Oo naman pero nasa sa'yo din kung masasaktan ka o Hindi. Lagi mo dapat inuuna ang isip bago ang puso kapag nagmamahal. Hindi porket Mahal mo, Tama na ang lahat. Pwede na ang lahat. Pag-isipan mo muna. Alamin mo muna kung pwede na ba talaga. Kung handa na ba talaga kayong dalawa"
Napapalakpak na lang si Mom sa kaniya. Sumabay na din ako at si Dad. He truly knows how and when to love. Well, that should be known by the others.
Pagkatapos, Hinatid na ako ni Kuya sa building na pinapasukan ko. Mula sa taas ay kitang kita ko ang mayayabong na dahon Ng mga nagsisitaasang mga puno. Sumasabay ang apak ko sa ihip ng hangin. Parang kusang inaagos ako ng hangin sa kwartong papasukan ko.
YOU ARE READING
Stay With Me
Short StoryLeila Solomon, a business entrepreneur who graduated as Magna Cum Laude in the University of the Philippines, had to date Drey Dominique Roque who also graduated in the University of the Philippines. In their batch, they're the almost perfect couple...