Leila
Love is like an open door. You can choose whoever you wanted to love, freely. It's a matter of choice but that doesn't mean na kahit sino pwede mo nang mahalin. You open the door of your love if you truly trusted that person. Hindi lahat pwede mong papasukin dahil hindi lahat kaya mong pagkatiwalaan.
Ang pagpili sa magiging karelasyon mo ay hindi tiyak and that's what Dom taught me this year. Kahit pala pilitin mo ang sarili mo na wag papasukin ang taong iyon, once you fall in love with him, you can't do anything about it.
Expect the unexpected ika nga. For the past months, Dom keeps on bothering me. At dahil sa panggugulo niya, nasanay na ako. I'm already used to it. I'm loving it.
Hindi lahat ng napipili natin ay napapasaatin at hindi lahat ng pinaplano natin ay nasusunod. Truly, it's an open door. Kahit sino pwedeng pumasok so buhay mo pero choice mo kung sino ang papayagan mo. Marahil, marami ang magtatangkang kumatok sa buhay mo pero hindi lahat kayang manatili.
"Good morning, Ms. President" bati sa'kin ni Lucy pagkababa ko sa kotse ni Kuya.
Ngayong araw na kasi namin balak pumunta sa Aurora. Ang lugar na kasi iyon ang napili ng Org para sa magiging charity namin and we wanted to give the early Christmas gift for them personally. Saka somehow, magiging bakasyon na din namin ito dahil katatapos lang ng Monthly Exam. We wanted to free ourselves away from the stress.
"Pasensiya na kayo kagabi ah? Agad akong umuwi. Sumakit kasi katawan ko e" palusot ko naman sa kanila saka naman silang nagsitanguan.
Sumakay na kami sa Van nina Lucy. Agad kong pinuntahan ang shot gun seat dahil puno na nga sa loob. Ayoko naman makipagsiksikan doon saka Isa pa, hindi ako sanay na maraming kasama sa pagbibiyahe dahil usually, apat lang kami o kaya minsan, kami lang dalawa ni Kuya.
Kinuha ko ang maliit na salamin sa aking pouch at tinignan ko ang aking sarili. Alam kong halata ni Lucy ang pamumugto ng aking mga mata dahil nagtanong ito sa'kin kanina. Hindi ko naman pinaalam ang totoong nangyari dahil ayokong masira ang araw na ito. Gusto ko ulit maranasan kung paano kumalma. Kung paano maging malaya.
Ibinalik ko na ang salamin at bahagyang ngumiti. I took a deep breath as I wished that sana it will be a stress-free two day trip.
Lumingon ako sa aking likuran nang makitang nagkakasiyahan silang lahat habang si Lucy ay nakiki-jamming din sa pagkanta. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at minamanman ang kinikilos ng bawat isa.
Napangiti akong muli dahil may memories na naman ako sa kanila. They're so amazing, individually at Hindi ko expect na ang samahan namin ay beyond our expectations. We create a friendship that will last.
"Naiinip na ata si Ms. President, Lucy. Nasaan na ba kasi yung magmamaneho at magtatanghali na" biglaang tanong ni Red, Auditor namin sa Org.
Nakita ko naman ang agarang pagkilos ni Lucy. Nagpaalam itong lalabas muna para tawagan ang magmamaneho. Tumango naman ako sa kaniya saka kinuha ang earphones sa'king bag.
I just want to excape what happened yesterday. I can't explain what I feel. Hindi ba't dapat masaya ako kasi I know that there's someone na kaya akong hintayin hanggang sa pwede na ako? I should be happy cause he surpassed all of my standards pero bakit ayaw magtugma ng isip at puso ko? Ramdam ko ang pagdebate nilang dalawa sa loob ko.
Somehow, I felt like I disappointed myself for breaking my own rules, for not guarding myself, for not fighting enough. Wala e. Ayoko mang aminin pero tinamaan na ako sa kaniya. Hindi man ako sigurado sa ngayon pero darating din ako doon.
Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin pati na rin ang melodiya ng musika. Ipinikit ko ang sarili ko upang sa pagmulat ko ay sariwa na muli ang isip ko. Sabi ko nga, I don't want to ruin this two day trip.
YOU ARE READING
Stay With Me
Short StoryLeila Solomon, a business entrepreneur who graduated as Magna Cum Laude in the University of the Philippines, had to date Drey Dominique Roque who also graduated in the University of the Philippines. In their batch, they're the almost perfect couple...