Leila
Alas singko ng hapon when we decided to set up our tents. Gusto kasi ng mga kasama namin na magcamping kami besides, Hindi ko pa nararanasan ang ganitong klase na activity.
The org brought two big tents. Isa para sa'min ni Lucy at ang isa naman ay para sa mga kalalakihan. Mabilis nilang naitayo ang kanilang mga tents dahil may experience na pala sila dito. Naikuwento nila na ang iba sa kanila ay mga Boy Scouts noong high school pa kami.
Pinuntahan nila kami at kasalukuyan naming ipinapasok ang nagsisilbing poste ng tent.
"This will be a long night" ani ni Art nang matapos niyang matayo ang tent namin.
Mula sa upuang gawa sa tabla, kinuha ko na ang mga gamit ko pati na rin ang kay Lucy. Bigat na bigat ako nang tuluyan kong mabuhat ang mga gamit naming dalawa. Paano ba naman, maleta ang dinala niya at isang sports bag lang ang sa'kin dahil uuwi din kami two days from now.
Naramdaman ko na lang ang pagluwag ng maleta sa aking kamay nang kuhanin iyon ni Dom nang sapilitan.
"I'll help you with this" simpleng sagot nito saka na umiwas ng tingin.
I felt the guilt inside my heart. Bigla siyang lumamig sa'kin when i let go my hands earlier. Nakakahiya kasi sa mga nakakakita sa'min. We're holding our hands without any reason. Alam ko ang tinutukoy niya. Hindi ako bulag para hindi makita ang mga effort niya just to be with me.
Ang ayoko lang sa ngayon ay ang pagpasok sa mundo ng pag-ibig nang hindi pa klaro sa'kin kung anong tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Ayoko lang na pumasok sa bagay na wala pang rason para manatili.
Basta isang bagay lang ang alam ko at ito ay ang masaya ako pag kasama ko siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad para ilatag na ang higaan namin ni Lucy. Ayoko naman siyang istorbohin kasama ang ibang mga boys na kasalukuyang nagsisimula ng apoy.
Ilang minuto rin ang ginugol ko roon dahil nagpalit na din ako nang damit. Malamig kasi gabi na at hindi ko rin naman na kayang maligo sa ilog sa mga oras na ito. I wore pajamas and a simple shirt saka nagsuot ng balabal sa ulo.
Narinig ko ang tugtugan at kantahan ng mga kasamahan ko at hindi na ako nagtaka pa kung wala si Dom doon. Nilapitan ko ang mga ito para itanong siya.
"Nandoon ata siya, nakaupo" pagturo ni Art sa'kin.
Sinundan ko ang kaniyang pagturo at naaninagan ang pamilyar na likuran nito. I sighed heavily as I realized na baka mali pang puntahan ko siya roon, i-comfort dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay parang binuhay ko na rin ang tiyansang magkaroon kaming kuwento sa isa't isa.
Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Lucy ang kamay ko. Hinaplos niya ito at parang nangungusap ang mga mata.
"Ngayon ko lang ulit naging ganiyan ang pinsan ko sa isang babae, Lei. Hindi ko pa nakitang nag-effort yan. Sana makita mo yon"
Iniwan ako nitong hindi mapakali sa aking kinaroroonan. Muli akong napaisip sa aking nararamdaman para sa kaniya. Alam ko na litong-lito ako marahil ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa isang relasyon. May mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Mga bagay na hindi pa malinaw sa'kin. Mga bagay na pinupunan ko lagi ng tanong na bakit.
For a moment, I stopped that thinking. Wala na si Lucy sa aking tabi at nakiki-jamming na ito sa mga kasama ko sa Org. Hindi kaya ng konsensiya ko kung makikiupo ako doon kasama nila habang ang isa ay nagmumukmok sa tabi.
"Ang ganda rito ano?" biglang banggit ko sa kaniya.
Walang emosyong bumalikwas ito sa'kin at binalik ang tingin sa nagliliwanag na ilaw mula sa siyudad. Nasa bundok kami at kita ang ilaw mula sa iba't ibang dako ng Aurora.
YOU ARE READING
Stay With Me
Short StoryLeila Solomon, a business entrepreneur who graduated as Magna Cum Laude in the University of the Philippines, had to date Drey Dominique Roque who also graduated in the University of the Philippines. In their batch, they're the almost perfect couple...