Leila
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kailangan kami sa Quadrangle. Nandiyan na kasi yung mga ni-rentahan naming mga upuan at mesa. Well, Hindi lang siya yung mga ordinary na upuan at mesa, it's kinda pricey masyado ang design and I think it suits perfectly for the program.
Ang event ay nagmistulang debut party na gaganapin outside of a place. Napuno ng bulaklak ang entablado at kasalukuyan na ding ikinakabit ang mga cable para sa lightings. Buti nga ay suportado kami ng ibang mga prof and we produce big stage like this kahit improvise lang.
My lips parted when I saw the finish product of the event. I just can't believe that we are actually handling this kind of event. I've never imagine in my whole life.
"Oh my God" I was still in awe when Lucy sat behind me.
Napalingon ako sa kaniya at maging siya ay Hindi rin makapaniwala sa mga nangyari. Para bang nasa big party ka. This is how it feels. From the table clothings, sa chairs, sa backgrounds, sa stage and even sa lightings.
"Everything is settled" humarap sa'min si Roy na ngayon ay bakas din ang kasiyahan.
Everyone is happy because this is a great and big achievement for a student council like us. We're just young and yet, we are able to manage an event like this. Kahit na hindi pa nag-uumpisa, pakiramdam ko ay kumpleto na araw ko. We should be proud of ourselves.
Alas diez ng umaga nang matapos ang pag-aayos, pinatawag ko ang buong council sa aming room. Kasama ang student council adviser namin, sabay-sabay naming pinalakpakan ang bawat isa.
"This is not possible without your help guys" bati ko sa kanila saka pinalakpakan.
Masaya ang bawat isa dahil sa achievement na iyon. Somehow, nakakawala ng pagod at stress. Dahil doon, nagpakain naman si Mr. Dela Paz. Todo pa ang tanggi namin pero umaayaw siya.
"Take it as my treat guys. Job well done" banggit nito sa lahat saka nagpalakpakan ulit at nagsikain na.
Ilang minuto pa ay napagdesisyunan na umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan para makapag beauty rest at makapaghanda mamayang 6pm. Dahil student council, kailangan 5:30, nasa quadrangle na kami.
"See you all later guys. Mag-iingat kayo"
"Ikaw din, Pres" habol na sabi ni Art bago makasakay sa kotse nito.
I smiled at them for the last time bago makasakay sa kotse ni Kuya. Good thing, half day lang ang training nila ngayon dahil nga sa event namin. Sumulyap ito sa'kin at nangiti.
"Nakakaproud ka naman, bunso"
My lips parted after what he said. Ngayon lang kasi nasabi sa'kin ni Kuya na he's proud of me. After all the accomplishments and pride that I've done in my family, ngayon lang niya iyon nasabi sa'kin.
"Nakakaiyak naman yang sinabi mo, Kuya. I didn't expect that from you" natatawa ko pang saad saka binalingan ng tingin ang labas.
Kitang-kita ko ang pamilyar na hubog ng katawan na ngayon ay naglalakad lamang. Hindi ko alam kung saan papunta iyon pero palinga-linga pa ito na parang may hinihintay.
Sa ilang saglit pa ay nagtama ang aming mga mata ngunit mabilis din akong nakaiwas.Naka-angat na ang kotse namin sa daan at muli akong lumingon patalikod upang makita siya. Kitang-kita ko pa rin ang mga mata nitong nakatuon sa kotse namin ni Kuya.
Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty na baka he needed na masasakyan pauwi sa kanila kaso nakakahiya naman kasing sabihin kay Kuya na isabay na namin ni Gunggong, baka mapagkamalan pa niyang mayroong something sa amin. Overthinker pa naman din 'to.
YOU ARE READING
Stay With Me
Short StoryLeila Solomon, a business entrepreneur who graduated as Magna Cum Laude in the University of the Philippines, had to date Drey Dominique Roque who also graduated in the University of the Philippines. In their batch, they're the almost perfect couple...