Leila
Kanina pa ako hindi mapakali sa puwesto ko. Paano ba naman, napaka-ingay ng lalaking nasa tabi ko. Walang preno ang bibig niya. Kaya ang ending, hindi ako tinitigilan ng mga kasamahan ko sa likod. Nagtatanong lagi kung paano daw kami nagsimula ni Dom habang ang isa naman ay ngiti lang ang isinasagot.
"Ngayon naman ang tahimik mo" pagbasag nito sa katahimikang nasa pagitan naming dalawa.
Anong gusto niyang mangyari? Mag-iingay pa ako dito despite of what he has done.
"Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa?" may pagkasarkastikong saad ko sa kaniya.
Sinungitan ko ito hanggang sa makarating kami sa Aurora. Sumalubong sa'min ang mga nagsisitaasang mga puno at ang mga tanawin nila. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata bughaw na kulay ng dagat.
Muli akong napangiti nang maalala ko ang last summer namin sa probinsiya nina Mama sa Dumaguete. Ganitong ganito din kasi roon. Tanawin ang mga bubungad sayo. Malayo sa siyudad. Malayong-malayo.
"Malayo-layo pa ba tayo?" binalingan ko si Lucy saka siya tinanong pero nakatulog pala ulit ang mga nasa likod. Ibig sabihin, kami lang dalawa ni Dom ang gising ngayon.
I looked at him and surprisingly, nakatitig din ito sa'kin. Until now, Hindi parin ako sanay na makipagtitigan sa kaniya. Lagi akong natatalo. Kaya ang laging ending, ako ang laging umiiwas.
"Isa pang oras ang ibibiyahe natin papunta roon sa komunidad ng pagbibigyan natin. Matulog ka na muna" banggit nito saka na humarap sa daan.
Sa loob ng isang buwan, nakita ko kung paano mag-alala sa'kin si Dom. He always cared for me. Lagi niyang pinapahalagahan ang mga bagay na importante sa'kin.
I wonder kung siya ba talaga ito o pakitang tao lang siya dahil nga meron siyang gusto sa'kin?
Tumahimik ako saka na lang pinagtuunan ng pansin ang ganda ng probinsiya. Kinuhanan ko ng litrato ang bawat tanawin na nakikita ko. Nararamdaman ko naman ang paghinto ng sasakyan dahil hinihinto ni Dom iyon.
"Seems like you really love the nature" he said it in a monotone voice.
Bigla akong lumingon kay Dom at hanggang ngayon ay nakatuon parin ang atensiyon sa pagmamaneho. Tinatamaan na siya ng sinag ng araw pero hindi iyon nagpabawas sa kaniyang kagwapuhan bagkus ay mas lalong dumagdag pa.
Mula sa aking puwesto ay tanaw ko ang magandang lilok ng kaniyang mukha lalong lalo na ang matulis na pagkakaukit ng kaniyang ilong. That was the perfect nose that I've ever seen.
"Bata pa lang ako, mahilig na ako sa kalikasan. I didn't know if I'm crazy but seeing nature is my medical vision kapag malungkot ako" salaysay ko sa kaniya.
Huminto rin ito sa tabi saka kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. Ano naman kayang gagawin nito? He raised it as if he was trying to reach for a signal. Tinignan ko naman ang phone ko at nakitang meron naman.
Laking pagtataka ko noong marinig ko ang tunog ng pag-click ng camera. It wasn't too loud but it's enough sound for me to hear. I tried to steal his phone but he immediately hide it to his pants.
"Why did you took a picture of me?" my brows furrowed.
Sumilip ang ngiti nito sa kaniyang labi saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
"I just took a beautiful view" casual nitong sabi.
Bigla akong nahiya sa sinabi ko. Masyado kasi mabilis ang bunganga ko e. Nag-picture lang pala siya ng nature. Akala ko ako na e.
After how many minutes of his driving, we finally reached our destination. Ganoon din ang mga kasamahan ko, nagising na din sila. Labis ang tuwa sa kanila at pansin din ang excitement na nakaguhit sa kanilang mga mukha.
YOU ARE READING
Stay With Me
Short StoryLeila Solomon, a business entrepreneur who graduated as Magna Cum Laude in the University of the Philippines, had to date Drey Dominique Roque who also graduated in the University of the Philippines. In their batch, they're the almost perfect couple...