Jem-jem's POV
Ang aga-aga pa may nanbubulabog na Sa akin. Ang lagay eh napaaga akong nagising. Linggo ngayon eh. Akala ko labahan Ang bubungad sakin pero nagprisinta na si kuya Jin na maglaba,si Kuya Jim Naman Ang magbabanlaw at si Tamtam Naman Ang magsasampay.
May sundate daw Kasi na magaganap. Maaga akong naligo at Hindi na nag-almusal. May asungot Kasi Sa baba na naiinip na daw Sabi Ni mama.
"Oh! Tapos ka na pala nak!" Sabi Ni mama habang kinakalkal Ang mga damit ko Ni Hindi man Lang ako dinapuan Ng tingin. Naka pants at t-shirt Lang ako. Nakakapagtaka Naman si mama. Pumasok pa dito Sa kwarto ko.
"Oo ma! Anong kinakalkal mo dyan!" Bumaling siya sa akin at...
"Omo! Nakong! Simbahan Ang pupuntahan mo Hindi park!.." Parang maiiyak na si mama sa pinagsasabi Niya. "...ay etoh! Etoh nalang! bagay na bagay toh sayO!" Sabi Niya at sinusukat sa akin Ang puting dress na above the knee ata kaiksi. Plain Lang siya.
"Ihh. Ayoko ma!" Pag-iinarte ko habang lumalayo.
"Isa..." Umiling ako. "Dalawa!" Naglakihan kami Ng Mata. "Tatlo!" Sabi Niya at hinablot ang t-shirt ko at ginusot-gusot.
"Ih...huhuhu...sira na...langya!" Inis Kong tinignan Ang suot ko.
"Minumura mo ba ako?" Tanong Ni mama. Tinikom ko Ang bibig ko Sabay iling.
Tinulak ako Ni mama sa banyo at binato sa pagmumukha ko Yung dress. Wala akong nagawa at nagbihis nalang. Pinaresan ko nalang Ng flat shoes. Alangan Naman mag rubber shoes ako ede nagmukha akong taong ul*l.
Pagbaba ko....
"Such a beautiful girl!" Agad na bati nung jowa Kong hilaw.
"Wala akong Lima. Mamaya nalang!" Sumibangot siya at ngumiwi.
"Mom,dad. We gonna go!" Pagpapaalam Niya Kayla mama. Kapal ha!
Ikaw na anak letche!
"Take care of our princess!" Saad Ni papa pero nakatingin Lang sa binabasa niyang dyaryo.
"Ingat anakong!" Si mama talaga ginagamit na naman Ang pagkasambal Niya. Psh!
Bago pa kami makalabas sa gate nadaanan na muna namin Ang mga asungot.
"Pri! Bobo ka talaga hiwalay Ang de color sa Puti. Tanga!" Inis na Sabi Ni kuya Jin Kay kuya Jim. Dalawa Kasi silang nagbabanlaw(muna). Si Tamtam nagbobomba Lang. Sabi Ni mama magbomba muna daw sila Kasi aksaya pag gripo.
"Aish!" Napakamot pa SA batok Yan. Tanga Kasi eh!
"Naol magdedate!" Nakapout pa Si Tamtam habang sinasabi yon. Napangiwi Nalang ako at hinila na si kz palabas.
Sumakay siya sa kotse Niya at naiwan akong nakatulala.
Hindi Niya ba ako pagbubuksan?
"Uy! Hop in!" Bumalik ako sa ulirat at napakurap pa.
"Tss. Ungentleman!" Bulong ko.
Sumakay ako at padabog na sinara Ang pinto.
"Are you mad with that?" Irita niyang turo sa pinto Ng kotse Niya.
Plastic akong ngumiti. "Hindi Naman, konti Lang!" Sabay poker face.
Umirap ako Sa hangin at nagseatbelt nalang.
Jowa ko ba ito? Seriously? Diko matanggap na ungentleman siya. Sabagay Hambog palang pinalaki itong hayp na toh!
Pasalamat siya sa simbahan Ang distinasyon namin kundi masasapak ko siya Ng Wala Sa oras.
YOU ARE READING
My mysterious dream
Non-FictionEvery human have a dream. But this dream may occupied my brain. I wish all some descent dream came true. I wish my dream come true🖤