chapter 33

11 8 0
                                    

Jem-jem's POV

"Okay ikaw na magaling!" Andito kami Ni Tammy sa Sala nagtotong-its.

"Pang-ilang Talo mo na Yan?" Sumibangot Nalang ako at inayos Ang baraha. Kanina pa Kasi kaming alas kwatro Ng hapon naglalaro. Alas syete na ngayon buti Nalang marunong mag-saing Si tamtam. Nung Ako Kasi Ang nagsaing kanina eh nasunog. Naalala ko pa Yung katangahan ko....

*Flashback*

"Ikaw na ih! Nitatamad ako!" Reklamo Ni Tammy. Kanina ko pa siya pinipilit magsaing.

"Isa! Ibabato ko itong kaldero!" Pagbabanta ko. Pero parang bingi Ang buset. Nakuha pang magsolitaryo.

Padabog Kong hinugasan Ang kaldero at nag-gatang Ng apat.

"Paano ba Ito?" Pabulong Kong tanong sa sarili ko. Nakikita ko Kasi minsan si kuya Jin na hinuhugasan muna bago parang sinusukat sa Kamay ganun.

Hinugasan ko Ng dalawang beses Ang bigas bago sinukat. Sinalang ko siya sa double burner gas stove namin at nilakasan Ang heater.

"Tapos na?.." tanong Ni Tammy. Inisnaban ko Lang siya. "Tara lucky nine Naman!" Yaya Niya. Sugarol talaga Ang animal na ito. Kanina tinuruan ako Ng pusoy tapos unggoy-unggoyan. Ngayon Naman lucky nine.

"Seghe pano ba Yan?" Hindi pa Kasi ako nakakalaro buong buhay ko eh.

"Pfttt. Kadiri! Ganito oh! Bibigyan Kita Ng dalawang card tapos bibilangin mo!.." inabot Niya sa akin Ang dalawang card. May speed na 2 at may heart na 9.

"11" Sabi ko sa kaniya.

"One Lang yon! Pwede ka pang maghirit!.."

Napangiwi Naman ako. "Ano yon?" Nakanguso Kong tanong.

"Hirit dadagdagan Kita Ng baraha pero Isa Lang tapos bibilangin mo ulit!" Napatango-tango Naman ako.

"Gets!" Sabi ko at nagthumbs-up.

May bente minuto na ata kaming naglalaro Ng may naamoy kaming sunog.

"Grabe Naman Yung kapit-bahay natin! Nasusunog na ata niluluto Nila. Mga walang Alam sa buhay. Mga Hindi marunong maglu---"

"Jem Yung niluluto mo!" Turo Ni Tamtam sa umuusok. Agad akong tumakbo dun at pinatay Ang gas stove.

"Walang ya!" Pagbukas ko napa-pikit pa ako sa usok. Hinintay kong mawala Yung usok bago magmulat. "Umayyy!" Agad Kong Sabi Ng Makita Ang parang uling na kanin. Hilaw na nga sunog pa.

"Sunog! Kumain ka Ng sunog! LANGYA ka! Bawal ka pang mag-asawa!" Sermon sakin Ni Tamtam. Nakayuko Naman ako habang siya nililinis Yung kaldero. "...Sabi ko sayO! Pag nalaman Ni kuya toh! Mayayari ka!" Ayoko talaga siyang maging matanda.

"Ako na magluluto hinayupak ka!" Sabi Niya habang nag-gagatang. Siya na Rin Ang nag-unab at nagbantay habang ako Andito nakaupo Lang at nagbabalasa Ng baraha.

*End of flashback*

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Magsandok ka!" Bumalik ako sa ulirat Ng nadinig ko Ang reklamo niya. Naka handa na pala Ang mga Plato,utensils at baso. Ako nalang Ang inaantay.

"Oo eto na! Napaka-mainipin!" Reklamo ko bago magsandok. De lata Lang Ang ulam namin. Tinatamad na daw Kasi siya magluto Ng ulam nung ako Naman Ang nagpresinta eh agad Niya akong kinutos.

My mysterious dreamWhere stories live. Discover now