Chapter 1 : Disaster Encounter

83 3 0
                                    

Ito na ang pinakaaabangang entrance exam ng Eureka Academy.
Pinaka-pristehiyoso at kilalang paaralan sa buong bansa ng Pilipinas.

Taon-taon ay naghihintay at pinaghahandaan ng mga nangangarap na kabataan na makapag-aral sa eskwelahan na ito. Halos lahat ay nagdadagsaan pa sa ibang lugar para lang makapasok at makapag-aral sa nasabing paaralan.

Pero ang tanging paraan lang ay ang makapasa sa pinakamahirap na entrance exam sa balat ng lupa, para makapag-aral ka sa paaralang ito. O sabihin natin ay, para sa mga matatalinong tao lang ang eskwelahan na ito.

Oo, naging kilala ang paaralan na ito dahil sa rason na maraming matatalino dito. Laging champion sa mga in and outside different competition. Kaya for the sake of the school name and reputation walang nakakaapak sa paaralan na ito nang hindi matalino. Mapa-teachers and school staff.

Kaya hindi lang simpleng entrance exam ang mangyayari, parang malawakang gathering na ito ng mga matatalinong tao.

Lahat ng examinee ay nasa malawak na gymnasium ng Eureka Academy dahil nadin sa rami ng mga sumusubok kaya doon gaganapin ang examination.

Ang iba naman ay nasa labas pa at nakatingin sa bulletin board. Kuha ang atensyon ang nagiisang sosyalong papel na nakapaskil sa gitna ng board. Maraming nagbubulungan at interasodo sa nakasulat sa papel.

Class Special?

___

Para namang kuminang ang mata ng isang babae na parang model at kumikinang sa daan dahil sa mga nakasabit na alahas sa iba't ibang parte nitong katawan. Habang tinignan niya ang hawak niyang papel na naglalaman ng requirements na maging kabilang sa class special at mga terms and conditions.

Pinunit niya ito sa bulletin board kanina dahil ayaw niyang makipagsiksikan, e kesyo daw ang babaho ng mga leeches dun ay ayaw niyang may humahawak sa kanya.

Jasmine Valentine ang conyong babae kung magsalita. Maarte sa lahat ng maarte, kahit anong hahawakan niya ay sina-sanitizer at kung makawak siya ng ibang gamit na hindi sa kanya,
mag-aalcohol naman siya. Hindi naman ito mapakali kung hindi makakapagshopping sa isang araw, o makabili ng panibagong mga kolorote at mamahaling damit.

"Pambili ng mga new makeups and dresses! Paniguradong weekly shopping na this! Wahh!" masayang sabi nito interesado siya kasi sa class special, maglakad sana siya para pumuntang gymnasium pero may humawak sa balikat niya. Natigil at nanlaki ang kanyang mataray na mata.

"What have you done?! Y-your kamay mo! Bitawan mo ako, ang dirty pa naman ng mga hands mo!" bulyaw niya at nagmadaling naghalungkat sa bag na kakabili palang kahapon. Dali-dali niyang ini-spray ang alcohol sa balikat nya.

"Wow ang arte mo naman Ms.Alcohol!" nakasimangot na sabi ng lalaking na may madungis na mukha dahil sa tsokolet na kinakain nito, na mas kinadiri ni Jasmine.

Vito John Daver kabaliktaran ni Jasmine. Wala syang pake sa kanyang itsura pero kita parin ang kagwapohang taglay nito, wala kaartehan sa buhay kahit mukha siyang gusgusin. Languyin man niya ang kanal wa epek yun sa kanya. Pero ang wag kayong ano, mas mabango pa siya sa pabango at naliligo araw-araw.
Siya naman itong tipong tao na kahit ilang lamon ng pagkain hindi tumataba.

"Basta! Y-you're not allowed na hawakan ako! Because baka may germs at virus ka, at ang mas worst pa may nakakahawa kang sakit! At saka look at sa itsura mo!" mangiyak-ngiyak na sabi niya, ilang dangkal ang layo kay Vito.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now