Chapter 3 : Class Special

22 3 0
                                    

Vito's PoV

Marshmallow. Candies. Cakes. Coke. Pizza.

Nagutom ako sa mahabang paglalakad namin at minalas wala pang dumadaan na mga public transportation kanina. Ngayon nasa harapan kami ng pagkalaki-laking gate na may nakasulat na E.A sa taas na gold plate. Sosyalin, sana ol may hamburger.

Mabuti na lang hindi pa nagsisimula klase, marami paring studyante na pumapasok pa lang. Akala ko talaga late na kami, 9 am pala start ng class.

Napatingin ako sa kamay kong may bahid pa ng cheese dahil sa fries nakinain ko kanina. I want more french fries! *pout

Sabay-sabay kaming naglakad papasok habang nagdadal-dal yung iba sa amin. Samantalang tahimik lang akong kumakain ng 'nova' na kinuha ko sa bata kanina.

"Oah guysh shaan phala thayo fupunta?" puno ang bibig kong tanong sa kanila, naiilang nga din ako sa mga matang nakatingin sa amin.

Sa malaking gate kami kasi dumaan papasok, samantalang ang mga studyante sa maliit na gate lang beside sa main gate siguro. Nagsisiksikan pa sila doon. Ang tatanga naman nila mas maluwag dito sa main gate pero doon sila dumadaan.

Or doon talaga dapat kami dumaan?

Napalingon ako kay Jb na nasa katabi ko na may binubulong-bulong nanaman habang nakangiti. Creepy. Nakakatakot putcha.

Alam ko na ang mga pangalan ng siyam na popsticle stick na kasama ko. Dahil nagpakilala nadin kami sa isa't isa kanina habang naglalakad papunta dito. Pero syempre hindi yun naging madali, dahil may mga kaartehan pa sila bago magpakilala. At nakiki-side comments naman ang iba kaya napatagal. Magulo.

Hindi ko namalayan tumahimik ang paligid, nasa gilid pala kami ng malaking field na may pathway. Napatigil ako dahil tumigil din ang kasama kong siyam. May humarang pala na isang grupo sa daan. Pinagtitinginan din kami ng mga lollipop.

Wait ang clićhe ah, nabasa ko to sa wattpad eh. Oo nagwa-wattpad ako, hindi halata kasi puro lamon lang ako. Sorry na cheesecake.

"What do you think you did before? Nagpapabida?" sabi ng babae sa gitna na amoy ko pa hininga niyang mala-jollibee chicken, mukha siyang matino tulad sa akin. Pero weirdo parin ako. At special, like rebisco.

Napansin ko din si Hikari na kumukurap-kurap. May bahid na kulay pula ang mata nyang lila, katulad din sa akin. Pag 'kasi hindi ko gusto ang naaamoy ko, nagpupula paningin ko. Wait ... hindi kaya katulad din niya ako, malakas ang pang-amoy. Na-umaabot ilang kilometro ang pang-amoy ko? Tapos si Felicity pa na kayang mag-palutang ng mga bagay-bagay?

Di kaya ...

"Nagpapabida talaga? Hey, bitch 'wag mo us i-englishan! And hey, may masama ba dumaan sa main gate? Duh!"umiirap pa si Jasmine habang mataray na tumingin sa babae.

"Yes it is really bad to go through the main gate. Kasi para sa mga importante at espesyal na tao lang ang pwedeng dumaan 'don. Kayo?" tinignan kami ng hambog na lalaki na katabi ng babae kanina. "Anong karapatan niyo para dumaan doon?" pabalang na sabi niya.

Tss. Sarap niyang salpakan sa bibig nang maraming sushi sa baon ko ngayon na gawa pa ni Tita. Pero sorry nalang, mas mahalaga pa ang sushi sa buhay niya. Kaya ipupunta ko nalang sa bibig papunta sa lalamunan ko at hanggan sa tyan ko. Safe ang sushi 'don. Ahehe.

Tamad na bumulong si Hikari kay Elen, kahit nasa tapat ko lang sila hindi ko parin narinig ang bulong niya. Nangunot ang noo ni Elen pero 'di kalaunay ay tumango din at tumakbo ng mabilis pa sa hangin?! What the fudgebar?

"Bawal pala dumaan sa gate na yun?Akala ko kasi kaming explorer ang may ari ng gate kasi kami lang dumaan 'dun. Sayang nagready pa naman ako ng ballons na may sulat na 'Explorer's Great Gate' at lalagyan ko din banderitas." inosenteng sabi ni Felicity at naglabas ng mga unblown ballons and banderitas sa mala-dora'ng bag niya.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now