Chapter 2 : Hilarious Bus Scene

39 3 0
                                    

Elen's PoV

Hello mga kaperpats! Panibagong araw, panibagong katarantaduhan nanaman.

(Azh Note: Isang 'ahu' para sa mga mandirigma dyan.)

Pinapahiwatig ko lang na gusto kong magwala ngayon. Dahil mag-aaral nanaman ako, at sa pesteng eskwelahan pa na nagngangalang Eureka, na kapangalan pa ng plastic at traydor kung kaibigan na...nevermind.

Wala naman talaga akong plano mag-aral sa paaralan ng mga matatalino dahil nao-out of place ako.
Magbilang ng pera lang ako magaling.

At dahil sa 'chicken curry' na yun aksidente pa akong nadala papunta dun. At naalala ko pa kung paano ako napwersa mag-take ng exam kahit ayaw ko, nang dahil yun sa bruhildang Jasmine siguro ang pangalan.

Flashback*
(Last Month : Day of Entrance Exam)

"Anong ginagawa nyong sampu diyan? Diba dapat ay nandoon na kayo sa gym para sa examination? At anong nangyari sa kotse na yan? Hindi nyo ba alam na may parking lot ang akademya?"

Biglang sulpot ng matandang pandak na panot at may mga mahabang puting balbas, kulubot na rin ang kanyang mukha at may tungkod na sumusuporta dito para makatayo.

Tinanong niya kung anong year na kami, akalain mo yun pare-pareho kami ng sagot. '4th year' o 'Grade 10'. Bahagya kaming nagkatinginan, pero hindi ko inalis ang aking tingin sa babaeng nagpatigil ng sasakyan ni 'chicken curry'. Kung kaya nyang magpatigil o magpalutang ng bagay, I guess? Ako naman kaya kung gumalaw ng mabilis pa sa hangin.

"Si mang Irnaldo nalang ang bahala sa sasakyan at humayo na kayo sa gymnasium." pormal na sabi niya.

Nagreklamo naman itong 'chicken curry' kesyo daw inggatan at wag hahayaang masira pa kahit sira nanaman.

Nadinig ko din yung iba na hindi at wala pala silang balak mag-take ng pagsusulit, may mga iba't ibang rason at dahilan silang sinabi kaya sila napunta dito. Katulad sa akin, nasabay lang.

"Hindi pala kayo mag-eexam, ano pang ginawa nyo? Magsi-alis na kayo, ayaw kung may umaapak na hindi matalino sa paaralan na to." taboy na sa amin na ikinasama ng timpla namin maliban sa babaeng nag-ngangalan sigurong Felicity basi sa narinig ko babaeng nakatakong.

Ayun naginit-ulo naming sampu at kanya-kanya kaming lait at insulto sa paaralan.

"Ang panget ng interior design at assigned colors ng mga buildings at facilities ng eskwelahan"maarteng sabi pa ni Jasmine. Ginatungan naman ni Ivan na--

"Hindi matitibay ang mga imprastraktura nila. Madaling masira kahit lundagan ko lang." malamig niyang sabi.

"Masikip at magulo yung parking lot." pabalang na sabi ni chicken curry. "Hindi daw masarap yung sine-serve sa cafeteria." dugtong nang lalaking may pop-corn na kinakain.

Nagalit ang matanda sa mga sinabi namin kaya pinalayas kami. Pero bago yun nagmayabang pa si chicken crurry na lalampasan 'daw namin' ang pinakamatalino sa paaralan ng Eureka... at nakipagdeal pa si Jasmine na tandaan mukha naming sampu dahil kami ang magiging class special daw at mapapahiya ang matanda sa pagtawag sa amin ng boba.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now