Elen's PoV
Second week ko na sa EurekaHigh!
At sa isang linggong nakalipas, walang masyadong nangyari. Pag-aaral lang ang inatupag namin at hindi na in-open ang topic tungkol sa pangyayari sa building namin. Medyo nag-adjust pa kami dahil ang hirap habulin ang mga l*tseng lessons at activities nun. Hindi sa nahuhuli kami, sadyang ang hirap lang ipasok sa kokote ang mga tinuturo nila. Minsan nga tinatanong kami ng mga professor, pero hindi talaga kami nakakasagot. Para kasing pang-high level na ang mga lessons, super advance mga pre. Sabayan mo pa ang mga expectation nila ang ta-tataas, porket nasa class special kami. Kaya ang ending, sermon lagi o minsan nga nilalait kami. P*ste.
Pero iba kasi si Hikari, lagi siyang nakadukdok sa upuan. Tapos kong ipapa-recite nakakasagot, with explanation and solution pa yan.
E kami? Nganga! Minsan nga napapaisip ako kung dumukdok din kaya ako?Hindi na din natuloy ang pagpunta sa mall para mamili mg pagkain, kasi ang school na pala ang bahala dun. Ibang klase din kasing si Vito kung lumamon, walang kabusogan. Parehas lang sila ng pinsan kong tabachoy.
"Elen?" napalingon ako sa maarteng boses, papunta na ako sa academy. Ilang layo na din sa baranggay namin, dinaanan ko pa mga chismosang kapit-bahay namin.
Matalim kong tinignan si Eureka, ang ex-bestfriend kong traydor at plastik. Muntik ko ba siyang pagkamalang si Jasmine dahil sa magkaparehong boses nila.
Hindi ako umimik at maangas lang siyang tinitigan habang nakacross-arms. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nangunot ang kanyang malapad na noo. NAIA ba yan? Psh!
"Wooohh E.A uniform! Uniform ng paaralan ko ang suot mo? Hindi naman bagay. Nag-aaral ka talaga dun? Sure na? Ang sa pagkaka-alam ko matatalino lang ang nakakapasok dun. Bakit ka doon nag-aaral?" mapanuyang sabi niya habang may pa-hand gesture pa. Kadiri ba naman kuko niya, hindi ba siya nagpuputol ng kuko? "Ah! Alam ko na, you cheated. O di kaya nag-utos or nanbayad para makapasa ka sa exam. How shame! Isama mo din yung mga ka-class mo." nandidiring singhal niya habang winiwiksi ang kamay. Kaya nga ayaw ko kay Jasmine dahil may pagkapareho sila. Pero naging mahalaga na din sa akin yung bruhilda na yun.
"O talaga? May pruweba ka ba na nandaya, nag-utos, nanbayad kami para lang makapasa? Diba wala? At saka, oo matatalino lang nakakapasok sa E.A. At inaamin ko, swerte lang ako dahil naka-pass ako sa l*ngyang test. Pero nagtataka ako ba't ka nag-aaral dun?" kalmado kong sabi pabalik sa kanya. Tss, sa pagkaka-alam ko puro palakol yung mga grades niya sa mga nakalipas na school year. Hindi sa pinagmumukha ko sakanya mga grades niya pero yun talaga ang totoo. At tamad yun mag-aral, maging ang vowels hindi niya ata alam. Nakakapagtaka, marunong siyang magsalita.
Tinalikuran ko na siya baka ipagsigaw pa niya na siya may-ari kuno ng EurekaHigh. At nagsimulang maglakad papunta sa academy, iniwan siyang natigilan. Hindi ko nadin siya nadinig na nagsalita pa dahil sa isang iglap nandito na ako sa building namin. Naayos nadin ito, at bumalik nasa dati ang itsura.
Kunti lang ang mga palakad-lakad na studyante. Magsisimula na siguro ang klase. Saktong pagpasok ko sa classroom, umalingaw-ngaw ang tunog ng bell sa paligid. Napatingin ako sa kanila, wala pa pala si Hikari at Zeus. Medyo natigilan ako.
"Gooood morrningg Ate Elen!"
masayang sabi ni Felicity, bumati naman ako pabalik. Ganun din si Grace at Vito, pero bumalik din sila sa pagkukumpulan. Nangunot ang noo ko at mabilis na sumali sa kanila at nagtanong."Ano yang tinitignan niyo?"
"Gosh! Nakakairita sila! Kung sino yung person na nagkalat yan. I make sisiguraduhin na magpa-pay sila! My pretty face is so haggard na tuloy." galit na sabi ni Jasmine at nag-brush na kung ano sa wallet niya ba yun.
YOU ARE READING
Unordinary Ten [On-Going]
FantasyUNORDINARY TEN by : OjosamaAzhgrei32 Ten different people with different stories from different places have this one secret. They are not ordinary people. They have this creepy and unbeliveible super powers and ability. We are the Unordinary Ten. ...