Chapter 5 : We Are Not Ordinary

28 3 0
                                    

Felicity's PoV

Wahhhh. Ang dami nakasunod sa akin pagpasok ko palang sa academy. Huhu!

Pinasama kasi ni grandma itong mga maids sa house namin para matulungan sa mga dala kong bags na may laman na bagong stuff toy na 'Dora the Exlplorer' characters.

Pinagtitinginan kami nang mga studyante. Naiingit siguro sila sa mga dala ko, hihi! Inaalok ko naman sila pero ayaw, nahihiya pa 'eh. Hihi!
Napanguso nalang ako, sabi pa naman ni grandma bawal ang madamot. Masama daw 'yon.

Nagtatalon-talon ako habang naglalakad sa likod ko naman ang anim na mga maids na nakayuko habang dala ang maraming bags. Hanggang makarating kami sa building namin o sabihing headquarter namin. Ahihi!

Medyo naligaw pa kami, magaling naman ako sa direksiyon ah! *pout Nagpapalit-palit siguro ang nga building dito. Wahh! Ang cool siguro 'yon.

Bago ako makahakbang sa hagdan papunta sa second floor narinig akong kalabog sa isang room sa unang palapag. Syempre nacurious ako, baka may multo. I also love ghost. Hehe!

Binuksan ko nang walang pagaanlinlangan ang pinto nasa likod ko lang ang mga maids parang natatakot. Hindi ko alam bakit takot sila sa akin. Hindi naman ako monster, a killer lang.*pout

Tumumbad sa akin si Kuya Vito na kumakain ng kung ano habang harap nito ang nakabukas na ref. Klaro ang ilaw ng nagmumula sa refregirator dahil dim ang ilaw sa loob.

"Awh 'eh, ghooud mhorneng Feshelity!" nahihiyang bati ni Kuya Vito habang puno ng pagkain ang bibig. Nginitian ko lang siya at balik na bumati. Wala palang multo dito, aww sad.*teary eye

"Good morning din Kuya Vito! Pakasarap ka sa breakfast mo po!" malapad ang aking ngiti bago lumabas at humayo papunta sa room para ayusin ang mga staff toy ko.

Pagpasok ko at wala pang tao sa loob. Mabuti naman, para walang umistorbo sa paglagay ko ng mga stuff toy sa paligid.

Nagsimula akong maglagay ng mga toy sa paligid with stickers. Tumulong din ang mga maids. Ang cute nila Dora. Hihi! Ano kaya magiging reaksiyon nila pagnakita nila ito.

*Imagination

"Wow! Ang ganda ng room natin."- Kuya Ashton

"Kyahh! Si boots! Nalambitin!"- Ate Jasmine

"Ang cute. Bakit wala yung fox?"- Kuya Ivan

"Picture tayo guys! Salamat sa magandang room na 'to Felicity."-Kuya Zeus

"Wahhhh! Kyahhh! Ang ganda ng ginawa mo Felicity!"-Ate Hikari

"Shemayy!"-Ate Elen

Naspeechless naman si Ate Grace, Kuya Jb at Vito. Ahihi!

"Thank you!" ngumiti po ako sa kanila. I'm proud of you self!

End of Imagination*

Natigil ako sa pag-imagine ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, wala nadin ang mga maids umalis na sila.

Ahehe! Excited na ako, sino ba ang pumasok? Kyahh! Si Ate Grace?

May mga sumunod na pumasok na may parang nakafarmer ang suot. Oh my bananas! Hindi ko sila kilala, may mga iba't ibang halaman silang dala.

Ilalagay din niya ba ang mga yan sa classroom? Ay, oo nga. Yepey! Magiging instant gubat ang room namin.

Hindi naman ako galit kay Ate Grace kasi makakapag-explore si Dora at makakapaglambitin naman sa mga halaman si Boots. Kaya thankful ako ahihi. Pero ang nakakatakot ay si squipper na baka bigla nalang sumulpot. Uwaaa! Help po!!

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now