Chapter 9 : Training Powers-Ability

39 3 0
                                    

Hikari's PoV

Nakatulala lang ako habang nakikipagtitigan sa kisame ng kwarto ko sa japanese style mansion namin. Napanguso nalang ako dahil, napakaboring talaga. Wala akong pinagkakaabalahan dito, tinatamad din naman ako. Haist!

Weekend ngayon at wala akong maisip na gawin. Sh*t naman, mamatay na ako sa kabagotan!

"Hikari-san, gesuto ga imasu." dinig ko sabi ni Butler Haru sa kabilang pinto. Kung hindi lang ako nakakaintindi ng japanese language, dugo na ilong ko ngayon. Puro kasi mga hapon ang mga tauhan dito. Aba malay ko kay Ojīchan.

"Hai, shitsuji!"sigaw ko pabalik at nagsimulang mag-ayos. May bisita ako? Teka, walang may alam sa address namin ah. Maliban nalang sa Wendelson and Yamaguchi Clan members.

Half-japanese, half-filipino ako. Hindi nga lang ako sanay magsalita ng wika ng Japan. Dahil sa aming pitong magkakapatid, ako lang ang nag-iisang lumaki sa Pilipinas.

Bumaba ako at laging gulat ng makita sila ... Ivan?! Fudge!

"What are you doing here?"gulat ngunit kalmado kong sabi habang palinga-linga sa paligid. Pero sa kaloob-looban ko, nagpa-panic na ako. Jusko! Baka makita sila ng mga monggoloid kong kapatid. Nosebleed ka na nga, mamatay ka pa sa takot.

"Hindi mo alam, Hikari? Sabagay, hindi ka active sa group chat natin."
kibit-balikat na sabi ni Elen. "Napag-planohan kasi namin na mamasyal ngayon. Kaso nga lang, wala kang alam. Kaya pinuntahan ka namin." aniya.

"Yeah! Ang cool ng bahay niyo! Pero mas cool parin ako." puri ni Ashton habang pinagmamasdan ang mga artifacts ni Ojīchan. Shetyy! Pugot-ulo mo Ashton pag may nasira ka diyan.

Wala akong imik habang palinga-linga padin sa paligid. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yapak, at kabisado ko ang mga yapak na yun! Walang ano-ano ay kinaladkad ko na si Ashton at Felcity palabas ng mansyon namin, sumunod naman ang iba. Nahalata siguro sila na hindi ako mapakali.

Paano ba naman kasi nila nalaman ang address ko?! At hindi talaga ako magiging active sa churva-churva na yan eh, wala kaming gadgets. Maliban nalang kay Himari, na adik ata 'yon.

"Saan ba tayo pupunta binibining Hikari?" malumanay na tanong sa akin ni Grace, kanina pa kasi kami naglalakad sa garden-like-forest na 'to. Sakop parin ito ng angkan namin, ang lawak kaya nito. Para kasi itong village ng mga Wendelson/Yamaguchi.

"Yah! Pina-alis you agad us sa mansion niyo!"-Jasmine.

"Nagugutom na ako guyth! Akala ko pa naman, makakakain na tayo."

"Kailan ka pa hindi nagutom?!"

"Hindi niyo maintindihan kasi." napatingin silang lahat sa akin na may pagtatanong.

Tinuro ko nalang sa kanila ang aking sariling mansion. Oo, lahat kami may sariling bahay. Ideya yun ni Otōsan. Psh! Pero mas gusto ko sa family mansion namin. Nang-makapasok kami, ay namangha naman sila. Tss.

"Maupo muna kayo diyan. Kukuha lang ako ng makakain." paalam ko sa kanila at humayo na sa kusina. Kawawa naman si Vito, paniguradong gutom na 'yon.

Nang ma-ready ko na ang mga snacks, ay akmang lalabas na ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Karera wa darena no?" nakakalokong tinig ni Itsuki, ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Matangkad at may mahabang itim na buhok na umaabot sa hita kahit lalaki siya.

Nangisi siya habang nakatingin sakin, alam kong may pinaplano siya. Sh*t lang. "Watashi no yūjin." poker-face kong sabi at nagsimulang umalis. Ngunit natuod ako sa kinatatayuan, dahil sa huling binigkas niya. Bago siya mawala na parang hangin.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now