Chapter 7 : The Pecuilari Badge And The Stealers

16 3 0
                                    

Kuha ang atensiyon ng sampung dalaga at binata ang bulungan at medyong hindi mapakaling studyante sa paligid maski ang mga impleyado ng paaralan, habang naglalakad sa hallway.

"Anong happening ba? May emergency?"curious na tanong ni Jasmine at naglabas ng sanitizer at ini-spray sa kamay niya. Ewas germs and virus. 10 meter distance daw.

(Azh Note : Gayahin ang isang Jasmine Valentine! Keep safe guyth, nowadays!)

Ganyan din ang tanong sa isip ng iba. Na kahit si Jb ay walang maintindihan sa mga bulungan dahil sa rami ng kanyang naririnig.

Gentleman na hinablot ni Ashton ang braso ng isang studyanteng babae na nagmamadaling dumaan sa harap nila, naikinagulat naman ng isa. Nginitian niya ito na ika-lalaglag ng panty at brief mo, ika nga ni Ashton sa isipan. Napailing nalang ang kasama niya dahil sa asta nito.

"Hi, MissPretty! Pwede magtanong?"nakangiti parin itong tanong at pasimpleng kinagat ang pangibabang labi, sumunod naman ang tingin ang babae at napalunok. Napaigik bigla si Ashton ng may naramdaman siyang tuminik sa kanyang paa at doon bahagyang nakapulupot ang isang tangay ng rosas.

"Wag kanang humarot lalaki, itanong mo na kung anong ganap."mahina ngunit madiin na bulong ni Grace sa kanya na iki-nangisi ni Ashton. 'Selos much ba BbGrace?' tanong sa kanyang isip at binitawan na ang babae.'Ang gwapo ko talaga.'

Tumikhim ang babae bago magsabi, namumula pa ito habang nakayuko.

"Full information ah."sabat ni Zeus.

"May nangyaring gulo sa buildung 10, kung saan naroon ang 4th year special. May mga pumasok na mga stealers sa nasabing building. Walang kasiguradohan kung nakuha ngaba ang badge ng 4th year special, lalo pa't hindi ata nabantayan ng class. Yun lang po."mahabang litanya nito at umalis na.

"Teka building natin yun ah."sabi ni Vito pero di kalaunay ay bumalik nalang din sa pagkain ng lasagna. May bahid pang cheese ang pisngi nito.

"Oo we rinig namin. Hindi kami bingi." masungit na sabi ni Jasmine, napanguso nalang si Vito. Hindi naman siya inaano.

"Pero ano daw po? Badge?" tanong ni Felicity habang pinapaikot ang headband niyang asul na unggoy sa buhok.

"May ganon?"-Zeus

"May pa stealers pa silang nalalaman? At yung badge, ano yun? Meron ba tayong ganun sa building at ginulo nila? Gold ba? Daming kaikikan ng may-ari ng school ah."iritableng sabi ni Elen at nagpatuloy na silang tinahak papunta sa sariling building. Ang daldal pala ni Elen.

"You mean, yung old man na uugod-ugod? Gosh! Daming alam nun."napa-irap sa kawalan si Jasmine. Tahimik lang naman si Hikari na nasa likod nila katabi nito si Ivan na walang imik ngunit naguguluhan din. Samantalang si Jb ay malalim ang iniisip.

"Tama na ang daldal. Dalian nalang natin maglakad para masagot na ang mga tanong niyo."aniya ni Grace na ngayon lang naging malinaw ang topic pagkatapos ng pagtyaga i-translate ni Ashton ang ibang english word.

"Si Liam ba yun?" takang tanong ni Ashton at biglang napatigil pati nadin ang mga kasama niya. Kahit si Jasmine na malayo ang distansya sa kanila ay napatigil din.

Para silang naka-connect dahil kung may titigil, titigil din silang lahat. Kung may sasama, sasama silang lahat. Kahit sa nangyaring gulo noon nina Elen at grupong South, natutong nakipaglaban nalang ang iba dahil sa pagsali. Katulad nalang ni Jasmine.

Walang iwanan.

Kunti na lang ang distansiya nila sa building at kita dito ang kumpulang studyante sa lobby nang building maski sa second floor.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now