Chapter 6 : First Assignment

24 3 1
                                    

Hikari's PoV

"That's for today 4th year class special, see you tomorrow."

Sa wakas nakalabas narin ang si ma'am Velasque; our english professor. Psh! Ito namang mga kasama ko, tuwang-tuwa maliban kay Grace na parang naguguluhan ba't kami nagsasaya. Ang sa alam ko, hindi siya nakakaintindi ng english word kahit kunti.

"Oy tignan niyo ang asignatura natin." sabi ni Grace, tignan nanaman namin ang kapirasong papel at 'don nakasulat ang assignment namin. Tss, easy lang para sa inner robot ko.

"Mamaya na yan mga spaghetti, sa cafeteria na tayo. Gutom na ako." maktol ni Vito habang hinihimas ang tiyan. Hindi ba siya nabusog kanina.

"Bakit kailangan pang sa cafeteria 'eh may sariling pagkain naman tayo sa baba."kunot noong saad ni Zeus.

"Ah..eh..ih."

"Wahhh! Wag mo pong sabihin Kuya Vito na inubos mo lahat ang pagkain  sa refrigerator?! Yari ka!" biglang sigaw ni flexibility? elasticity? electricity? facility? Ahah! Felicity. Psh! P*chang inner robot. Kung ano-anong word ang nabubuo.

Tss, may robot kasi sa loob ng utak ko. Kaya kong malaman ang lahat ng informasyon sa isang bagay o tao kung tignan ko palang ito. Background information, personalities, embarrasing moments, histories even  secrets malalaman ko. May sariling google, translator, dictionary, timer, maps etc. ako. Bigla nalang yan magpo-pop out sa utak ko, ewan. Kung may naririnig nanaman akong mistake sa pagsasalita, ico-correct naman ng perfectionist kong utak.

Sabi nila ang talino ko 'daw'. Footspa, hindi ako matalino! Sadyang nakakasagot lang ako sa mga tanong ng iba dahil may misteryosong robot na sumasagot sa utak ko. Feeling ko nga lagi akong nagche-cheat tuwing may recitation, quizzes, exams etc. dahil hindi naman sa akin nang galing ang sagot ko. Take note, tamad po akong mag-aral!

Hindi ko makontrol ang kakayahan ko  at pinabayaan ko nalang. At hindi ako natutuwa dito. Parang lahat nalang alam mo na, at nasanay naman ako 'dun. Kaya mas lalo akong tinamad sa paligid na pawang wala nang pakialam. Maging ang iba ko pang kakayahan, para akong chismosa at pakialamera sa iba. Ayaw ko na!

So ayun hindi ko namalayan na tapos na pala ang pag-sermon nila kay Vito at plinanong pumunta nalang sa cafeteria. Lumabas kami sabay-sabay sa pinto ng room, nagkasiksikan pa. Jusmeyo! Kung wala lang akong pinapanatiling postura na pagiging kalmado. Kanina ko pa sila sinisigaw-sigawan at sinisinghalan. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ang daldal ko sa loob-looban ko samantalang halos mapanis laway ko sa bihirang pagsalita sa outer na ako.

Pero bago ako lumabas ay kinuha ko muna iyon sa stand nito at sinilid sa bulsa ng bag ko.

"Teka lang, Beatrice! Wag kayong tumakbo! Wahh! Kailangan ko lang kayong interview'hin. Para sa task namin."

"Student nang senior special class! Kyahh! One picture lang oh!"

"Sh*tyy ba't ba sila tumatakbo papalayo sa atin?!"

"Humahabol naman tayo. Tsk!"

"Mga bitch kasi tayo."

Mga sigaw ng dinig namin mula sa labas.

Nagmadali kaming tumingin sa glass wall ng second floor. Kita namin dito ang kumpulang mga studyante sa baba na hinahabol nang isang grupo. Isa doon si Mr.Crossford. Teka ba't ba sila naghahabulan? Patuloy padin silang hinahabol hanggang dinumog na sila ng mga studyante.

"Dudumugin din ba tayo ng mga studyante kung lumabas tayo? Nakakatakot mapabilang sa class na 'to. T*ngina! Ba't kailangan pa sila gumanun? Ano tayo artista?" maangas na saad ni Elen.

Unordinary Ten [On-Going]Where stories live. Discover now