41

2.6M 87.6K 337K
                                    


"Congrats, Cy! Mister cum laude!" 


Napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong tinalunan ni Ridgen at umakbay, tumatawa pa. I removed his arm and gave him a light punch on the jaw before walking faster so I could escape from that asshole. Hindi ko magawang maging masaya dahil balita ko imbitado sa graduation party ko 'yong ipapakasal sa 'kin. 


"Excited ka na bang ma-meet si Miss fiancée?!" Malakas siyang tumawa nang mahabol niya 'ko. "Yiee, magsusuot ka na ng singsing, pare. Baka hindi na kita makilala niyan, ah? Asawa life na pala!" 


"Tangina mo," maikling sabi ko habang naglalakad pa rin, hindi siya pinapansin. 


Tinanggal ko ang sablay ko pagkapasok sa kotse. My parents rode a separate car to the mansion. My mother was trying to get back in time so she can check the venue. Wala naman akong pakialam at sa totoo lang, ayokong magkaroon ng graduation party. Para saan pa, eh hindi pa naman ako tapos mag-aral. 


Ridgen followed my car from behind until we reached the mansion. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko para mag-shower. I was wearing a towel on my waist when Ridgen entered my room, nakangisi at may pinapakitang picture ng babae. I rolled my eyes and sat on the edge of the bed while staring at the suit prepared by my mom. 


"Samantha Maureen Vera. Anak ni Mister Corrupt Politician. Kumusta ka naman?" Malakas siyang tumawa ulit. "Pagkatapos mong gaguhin sa mga paper mo tsaka sa Twitter, papakasalan mo 'yong anak."


"Hindi ko 'yon papakasalan," inis na sabi ko. 


"Masama kaya ugali non? Nagmana sa tatay? O baka naman feeling entitled? Ano sa tingin mo?" Ridgen continued asking questions. "What do you think? Hmm?" 


"I don't think about it," sagot ko bago pumasok ng C.R. para magpalit na ng damit. 


Pagkalabas ko, iniistalk na ni Ridgen sa Instagram 'yong babae. Matagal ko nang nagawa 'yon pero nakakalimutan ko 'yong hitsura niya dahil wala naman talaga akong pakialam sa kanya. She was just one of those people. Iyong privileged kids na walang alam sa nangyayari sa labas ng mansyon nila. Parang ang sarap ng buhay niya. Puro inom, labas, gala. Ateneo pa nga. 


"Ateneo De Manila University. Big time ka, bro?" Tumawa na naman si gago para mang-asar. 


"Tigilan mo 'ko, tangina ka," pikon na sabi ko. 


"Pikunin naman nito! Eh, bakit kasi nagpaka-savior kunwari ka at sinalo mo 'yong para sa Kuya mo? Na-inlove ka na ata talaga noong nakita mo mukha, e! Umamin ka na! Mukhang model, 'no?" Pinakita niya ulit 'yong picture ni Samantha Vera sa Instagram niya. 


I glanced at it for a second before shaking my head, disappointed. I must admit that she was... fine. Short hair, matangkad, maganda at maamo 'yong mukha. Bukod doon, wala na 'kong pakialam sa kung ano siyang tao. Panigurado masama ugali niyan. Mukhang sa loob ang kulo.


"Cy, get over here!" 


It was tiring to get along with people, maintain a fake smile, and act like I was interested in their lives when all I wanted was to end the party early so I could rest. My parents just had to show me off around their friends because I was the 'favorite.' Alam ko na 'yon. Matagal ko na ring napapansing mas pinagtutuonan nila ako ng pansin kaysa sa mga kapatid ko dahil sa aming tatlo, ako 'yong masasabi mong... achiever sa academics.

Avenues of the Diamond (University Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon