XINE'S POV
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Neish habang nakapila kami upang mag-order ng makakain namin dito sa canteen. Lunch break na.
Luminga na muna ako sa paligid bago sinagot ang tanong na 'yon ni Neish.
"Naninibago ako sa dami ng tao." sagot ko sa kaniya.
"Babaknita ka nasa eskwelahan tayo malamang madaming tao. Lukaret ka." Tiningnan ko ng masama si Neish.
"Galit ka na niyan? Ang cute mo talaga magalit hahaha." Napasimangot na lang ako.
"Wag kang sisima-simangot dyan pumapanget ka."
"Whatever. Baliw." dumila ako sa kanya. Tumawa lang siya.
Nakapila ako sa likod ni Neish habang inaantay ang inorder naming pagkain nang biglang akong may maalala.
"Xine, heto na ang pagkain mo." wika ni Neish dahilan para bumalik ako sa huwisyo.
"Hoy, Xine, okie ka lang"
Tumango ako saka tumingin tingin sa paligid."Ba't tulala ka diyan?" usisa niya. "Eto oh alam kong peyborit mo yan. Hehe." sabay abot sakin ng isang tray na puno ng pagkain.
"May naalala lang." nakasimangot na sagot ko at sumunod na sa kanya.
"Wag mo na kasing alalahanin haha. Halika na nga, may ipakikilala ako sayo."si Neish habang naglalakad kami.
"Doon tayo." dagdag niya pa. Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya.
Sino sila?
Sabay kaming naglakad ni Neish papunta sa lamesa na inuukupa ng tatlong babae. Magaganda. Hindi pa nga kami nakakarating doon sa lamesa ay nakikita ko na ang mga ngiting sa mukha nila.
"Neish." malakas na tawag ng isa sa tatlong babae na kakilala ata ni Neish. May ibang mga estudyante ang napatingin sa gawi namin dahil sa pagsigaw nung babae. Lumapit kami ni Neish sa lamesa saka naupo. Nasa akin ang paningin ng tatlo habang nakangiti. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Hi, I'm Shyreliah Torres. You can call me Shyre. Nice to meet you." nakangiting pakilala ng isa sa tatlo.
"Ako si Moriah Nesly Montregrande. Moly for short." pakilala naman ng isa.
"I'm Akilah Morphine Ramirez or simply Akilah." pakilala ng huli.
Silang tatlo ay nakangiti ngayon sa harap ko.
"Ah, Xine, sila ang mga bagong kakilala ko. Sila yung kinuwento ko sayo kagabi hehe. Actually kaklase natin sila. Di mo ba napansin kanina?"
Kaklase namin sila? Bakit hindi ko napansin kanina?
Ngumiti ako sa kanilang tatlo.
"I am Xine." pakilala ko saka inilahad ang kamay. Isa isa nila iyong tinanggap.
"Ang ganda mo grabe." sabi ni Akilah na pinanggigilan ang mukha ko. Pinigil kong huwag mapangiwi. Tumawa naman si Neish na nasa tabi ko dahil sa ginawa ni Akilah.
"Hala ang lambot ng kamay mo. Nakakatuwa naman hahaha." saad naman ni Moly nang makipagkamay ako sa kanya. Pinisil pisil niya pa ang kamay ko baga man hindi niya nakikita dahil sa suot kong itim na coat.
"Hoy, tigilan niyo nga yan. Pasensya na mga baliw lang yan hehehe." si Akilah. Nakipag kamay din siya sa kin.
"Kain na tayo, guys." yaya ni Akilah.
Masaya't nagkukwentuhan kami habang kumakain. Hindi sila nakakabagot kasama. Mababait sila, magaganda pero madaldal.
"Alam niyo ba bilib ako sainyong dalawa."
BINABASA MO ANG
HE'S TOTALLY HERS
RomanceDale Leyden Templeton, a consistent top 1 honor student in UNC and has his ultimate goal, to be declared as rank 1 just like the past school years but unfornately he met a transferee student who challenged him in terms of academics. Would he fulfil...