CHAPTER SIX

0 1 0
                                    

DALE'S POV

Kasalukuyan kaming nasa parking lot at naguusap usap. Pagkatapos ng huling klase ay dito kami dumeretso.

"Mukhang kailangan nating mag aral ng mas maigi keysa nakasanayan natin." bulong ni Reign.

"Hayaan niyo na. It's not big deal for me." usal ni Dreik.

"What? Ano bang sinasabi mo dyan Dreik?" asik ni Reign kay Dreik.

"What I mean is—hayaan na lang natin kung anong mangyari. We are studying here to learn not to compete with others." si Dreik. Napailing naman ako.

"Tama nga si Dreik mga bro. Kung iisipin natin palagi na nakikipag kompetensiya tayo sa kanila, pahihirapan lang natin mga sarili natin." sang ayon ni Wayne.

"Crush niyo lang siguro eh." bulong ni Reign.

"Pucha may Akilah na ko bro, baka si Wayne." angil ni Dreik.

"Anong crush? Ulol ka." asik ni Wayne.

"Baka ikaw Reign crush mo yon no?" si Dreik.

"What are you saying?" asik ni Reign.

"What are you saying?" panggagaya ni Dreik sa sinabi ni Reign.

"Bahala na nga. Wag na muna nating isipin yon. Naiinis ako na ewan." angil ni Reign.

"Hahatid mo si palalabs mo Dreik?" tanong ko para maiiba ang usapan.

"Hindi daw eh. Susunduin daw siya ng driver niya." sagot ni Dreik.

"Wala naman na tayong inaantay tara uwi na." yaya ni Wayne.

"Mauna na kayo mga bro. May ibibigay lang ako kay Akilah." si Dreik.

"Hintayin ka na namin bro." seryosong ani ko.

"Sure kayo? Baka gusto niyo nang umuwi." tumango kaming tatlo.

"Antayin ka na namin  Dreik." bulong ni Reign.

"Oh ayan na pala si palalabs mo Dreik oh." singit ni Wayne.

"Saglit lang to guys." paalam pa ni Dreik saka pumunta kay Akilah na kasama ang mga kaibigan.

Tumingin pa ako sa gawi nila ng makarinig ng tawanan. Nagbibiruan sila.

Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Dreik.

"Let's go. Alis na tayo."

Sumakay kami sa kanya kanya naming kotse. Hinayaan kong bukas ang bintana ng kotse bago bumusina at binuhay ang makina.

"Ingat kayo guys." medyo may kalakasan ang pagkakasabi ko niyon.

"Take care guys. See you tomorrow. Bye Dale." paalam ni Reign na kumaway pa.

"Bye Reign... Bye Dreik... Bye Wayne. Ingat sa pagmaneho." paalam ko ulit  bago pinaharurot pauwi ang kotse.

Pagkapasok ng bahay ay nadatnan ko pa sa sala si Kuya Dace na nakaupo at may hawak na libro.

"Oh, Dale, mabuti nandito ka na. May sasabihin ako sayo." ibinaba niya ang libro sa hita.

"Ako ang may sasabihin, Kuya."

"Huh? May sasabihin ka din? Ako mauuna."

"Fine, spill it first."

"Alam mo na bang andito na ulit si Hart?" ilang minuto ang pinalipas ko bago tumango bilang tugon. Umawang ang bibig at bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Kuya Dace.

"There's a freaking transferee." usal ko bago siya tinalikuran. Hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya sa sinabi ko. Dumeretso ako sa kwarto at nagbihis ng damit pambahay.

HE'S TOTALLY HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon