Chapter 34-Mystery Continues

5.6K 76 12
                                    

[Written by: Aya and Demi]


Third Person's Narration

Walang sinayang na oras pa si Nathan ng pumasok siya kinabukasan..

Tulad ng dati,hinantay niya si Tiffany sa park malapit sa bahay nito..

Nang makita na niya si Tiffany na naglalakad na mapalit sa kinatatayuan niya,bigla niya itong hinarang..

Nagulat naman si Tiffany nang makita siya nito..

"Nathan.. Anong ginagawa mo dito??"-tiffany

"Sorry.."-nathan

"N-Nathan."-tiffany

"Sorry Tiffany.. May dahilan lang ako kaya ko nagawa yun.."-nathan

"......"-tiffany

"Please.. Patawarin mo na ko.."-nathan

Hindi siya pinansin ni Tiffany at lumayo ito palayo sakanya..

"Tiffany.."

Hinabol ni Nathan si Tiffany.. At niyakap mula sa likod..

"Tiffany.. Hindi ko na sasayangin ang mga panahon.. Please.. Tiffany.."-nathan

"....."-tiffany

Tinanggal ni Tiffany ang yakap ni Nathan at lumakad ito ulit ng parang walang nangyari..

"Papatunayan ko sayo Tiffany na totoo ang sinasabi ko.."-nathan

Hindi man lang siya nilingon ni Tiffany..

Pero ang totoo,tumutulo na ang luha ni Tiffany at ayaw niyang makita ito ni Nathan kaya hindi na siya lumingon pa..

Pumasok si Tiffany ng school at nakita niya si Vanessa..

"Tiffany.. Nakapasok ka na pala.. Kumusta pakiramdam mo?? Are you okay??"-vanessa

"Oo okay na ko.."-tiffany

Napalingon si Tiffany sa locker niya.. May mabaho nanaman kasi siyang naaamoy,kaya sigurado siyang may patay na pusa nanaman sa loob ng locker niya..

"You can use my locker.. Nilipat ko na yung ilang gamit mo na nakita ko sa locker mo,baka kasi may maglagay nanaman ng patay na pusa eh.."-vanessa

"Thanks.."-tiffany

Girls and Boys (Red Or Clear)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon