CHAPTER 3

22 24 0
                                    

KATANA's POV

MADILIM parin ang paligid at bukas parin ang mga mata ko. Kanina bandang alas onse ng gabi ay namatay ang ilaw. Nang sinilip ko ang labas ay walang kahit anong liwanag, pwera nalang sa liwanag na binibigay ng bilog na buwan. Tanging ang palasyo lamang ang may maliwanag na parte at ang ilang malalaking bahay na malapit dito.

Ang weird naman ng tao dito— kung tao nga ba silang talaga.

Dahan dahang binuksan ko ang pintuan at inihakbang muli ang mga paa ko sa labas ng bahay. Wala akong balak umalis o ano pa man, gusto ko lang talagang makita ang kakaibang hugis ng tore na yun. Noon ay napapanood ko lamang sa tv ito pero ngayon ay buhay na buhay at totoo sa mga mata ko.

"It's already midnight but you still awake" napapitlag ako ng may magsalita di kalayuan sa akin. Si ura lang pala— teka, did I heard her right? She spoke in English?. Gulat na bumaling ang mga mata ko sa kanya.

"Nag e-english ka?" Tanga ka ba Katana? Narinig mo na nga diba?

"Bakit? Kailangan ba na hindi ako marunong ng lengwaheng yun?" Saad ni Ura. Mabilis naman akong umiling saka lumapit dito.

"Ura, nag e-english ka ibig sabihin alam mo ang America? Western Countries ganun?—"

"Ano ba kasing English ang sinasabi mo? Anong America at Western Countries???" Kunot noong banggit nya.

Napapikit ako ng mariin dahil konte nalang masasapak ko na sya. Ano bang tawag sa lengwaheng ginamit nya? Hidi ba't English?

"Ang salita mo kanina English yun hindi ba?" Pinipilit kong maging mahinahon sa pananalita kay Ura. Kung alam ko lang talaga kong nasaan ako, hindi ko na kakausapin ang isang to.

" Encrarin ang salitang ginamit ko"

"En... En—what?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ako makapaniwala na pati ang english ay iba sa kanila.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ay Encrarin"

Nakangangang napailing nalang ako at bagsak ang balikat na napatingin sa kadiliman. Nasaan ba kasi talaga ako?

Natahimik kami pareho. Ang tunog ng kuliglig at ang simoy ng malamig na hangin lamang ang kasama naming dalawa. Kanina pa nakatitig si Ura sa palasyo. Mula kasi dito sa labas ay tanaw na tanaw ang tore nito. Hindi ko man makita ang kabuuan nito ay natitiyak kong sobrang lawak sa loob nito.

"Sampong taon..." usal ni Ura. Hindi ako lumingon sa kanya bagkos ay nanatili sa marikit na ilaw ng tore ng palasyo ang mga mata ko pero nakay Ura ang pandinig ko. "Sampong taon na simula ng mahinto ang mabagsik na labanan." Nang marinig ko ang katagang labanan ay lumipat sa kanya ang mga mata ko.

Kitang kita ko ang kislap ng galit at lungkot sa mga mata ni Ura salamat sa liwanag ng buwan. Yumukom ang kamao nya na may hawak na dahon at nagtatagis ang mga bagang.

"At kung mangyari man ulit yun, magbubuwis ng buhay lahat ng nasa nayon bago mawakasan ang buhay ng mga nasa loob ng palasyo" Saad pa nito. Hindi ko man maintindihan at wala man akong masabi tungkol dun ay ramdam ko ang sama ng loob ni Ura.

Hindi ko na kailangan pa ng patunay dun. Sapat na ang tuno ng pananalita nya, kislap ng mga mata at ang paggalaw ng kamao nya para masabi kong may atraso sa kanya ang palasyo na tinititigan nya ngayon.

Ilang minuto pang nakaupo kami sa damuhan sa labas ng bahay bago sya umalis ng di man lang nagsalita. Nanatili pa naman ako sa labas ng mga sampong minuto bago ako makaramdam ng kakaibang antok dahil din sa mainit na hanging lumilibot sa akin.

KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]Where stories live. Discover now