CHAPTER 5

23 8 0
                                    

KATANA's POV

"KATANA!" a loud voice came from afar. My eyes landed to a girl who is running now towards me. She was waving her hand  and her other one holding a basket.

Yeah for a week that I'm staying here I still couldn't adepts the life have people living here. And if you asking what happened that day. My answer is this. They allowed me to stay here but they aren't allowed me to talk to other people that's why like before I put a barrier between me and others. And if you asking again why there's have a girl who calling my name, yeah she is the only one who talked to me like she finally met someone who can listen to her.

"Dinalhan kita ng tanghalian mo" sipat nya habang papalapit pa sa akin. "Hwag ka mag alala walang sumunod sakin paakyat sa burol" hinihingal na sambit nya. Pabagsak syang umupo sa tabi ko bago pa ilapag sa harap ko ang basket na dala nya.

Nanatili akong tahimik at di sya iniimikan. Habang isa isa nyang nilalabas ang kanyang dala sa sinidlan nito ay nagkukuwento sya ng tungkol kahapon.

She was happy telling an story to me. Lita is a lovely girl, sa mukha nyang maamo na tila ba hindi kayang manakit ng tao ay nakakubli ang matalas na pakiramdam nito. I being  comfortable to her presence, pero di parin nawawala sa isip ko na hindi parin ako nabibilang sa mundong ito.

Lahat ng tao sa lugar na ito ay may kanya kanyang kakayanan na hindi kaya ng katulad kong normal. May nakakapagpagalaw ng mga bagay, nauutusan ang hayop, napapasunod ang halaman, magaling sa paghawak ng punyal at ispada at bihasa sa pakikipagdigma. Merong taglay nakakaibang lakas at bigat sa presenya.

"Hoy!" Napapitlag ako sa biglang pagsiko ni Lita sa balikat ko dahilan din para bahagyang maituon ko ang kanang kamay ko sa damuhan. "Sabi ko kumain kana para naman may lakas ka mamaya" sambit pa nito.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka ba lapit ng lapit sakin" sambit ko sa kanya habang padabog na inagaw sa kanya ang dala nyang tinapay.

Kamot sa batok na ngumiti ito saka inabutan ako ng tubig.

"Katana sabi ko naman sayo kaibigan mo ako"

"Alam mo bang di ako tinatanggap ng kaibigan?"

Natahimik sya sa sinabi ko. Pero hindi ko inagaw sa kanya ang pagkakatitig ko, bakas sa mata nya ang gulat pero tinanggal din naman nya iyon agad at pinalitan ng ngiti.

"In so, sabi ko lang naman kaibigan kita, at di ko hinihinging tanggapin mo ako" ngiti nya bago bumuntong hininga at mahiga sa damuhan katulad na katulad ng ginagawa nya habang hinahayaan nya akong kumain ng dala nya.

"Medyo malawak ang rorondahan mo mamaya. Kailangang maging maingat ka parin sa bawat pag bantay mo sa labasan"

Napatigil ako sa pagnguya sa tinapay na nasa bibig ko. Muntik ko nang makalimutang kasama pala sa pamamalagi ko at pagtanggap sa akin dito sa lugar ay mag iikot ako sa labasang sinasabi nila isang beses sa isang linggo. At ngayon ang araw na yun sa linggong ito.

"Ba't di ka mag aral gumamit ng ispada, Kat" muling suhesyon ni Lita.

"Anong gagawin ko dun" sagot ko naman.

"Baka naglalaro ka siguro" sarkastikong turan nito sabay irap sa akin. "Tss malamang proteksyon mo narin. Hindi porket sakop ng Areantus e wala ng Jarehjo" nakangusong dagdag nito.

"Wala akong balak makipag away Lita" sabad ko na ikinalaki ng mata nya.

Kunot nuong bumaling ako sa kanya ng bigla itong bumangon at nakangangang tumingin sa akin.

KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]Where stories live. Discover now