KATANAS POV“That’s all for today. Goodbye block 1. See you after a week”
Nagsimulang mag ingay ang buong klase ng makalabas sa classroom na yun ang prof namin. Syempre ako katulad ng dati ay nanatiling tahimik at walang kibo sa isang tabi. Nagsasaya sila dahil sa wakas sembreak na namin. Lahat nakapasa sa unang simester at isang magandang balita yun.
Araw na ang lumipas simula ng gabing nag insayo kami ni lolo, oo, nakakapagod pero kakaibang saya at galak ang naramdaman ko ng gabing yun.
“Anong order na pagkain ang sayo Kat?” Tanong ni Joei habang naglalakad kami sa corridor.
“Hmm depende sa tinda sa canteen” simpleng sagot ko.
“ sembreak na tommorow, what’s your plan?” Rysha asked me. Tanging iling lang ang naging sagot ko dahil wala naman talaga akong plano ngayong sembreak bukod sa gusto ko lang magpahinga.
“ang boring naman pala ng sembreak mo kung ganun. Tsk why not come with us? Huh?” Joei tsked.
“Hindi boring yung walang plano. Mas gusto ko sa bahay magpapahinga lang dahil sa anim na buwan na tutok at bugbog sa paaralan. It’s time for us to relax, so why doesn’t have plan become boring anyways?”
“ayan. Diba ang cool lagi ng palusot mo. Tss pupunta kami sa rest house nila Rysha ayaw mo ba?”
Umiling lang naman ako sa tanong ni Joei. Sa totoo lang hindi ko naman talaga sila kaibigan. Oo at aaminin kong matagal na kaming magkakilala simula palang junior high kaklase ko na sila pero hindi ibig sabihin nun ay kaibigan ko na nga silang dalawa. Lolo taught me how to be sensitive to all people around me. I can’t trust all people 'cause sometimes this people who you trusted most, can ruin you more. I don’t know the reason, but if Lolo said it, there’s no reason for me not to do it. Not because lolo is only person I trust the most. But, lolo is the only person I have.
“Ang weird mo nu? Tss for almost 9 years we being friends you still cold” reklamo ni Rysha.
“yeah, for almost a decade we knew each other we didn’t know what kind of person you are. Masyado kang mailap” dagdag ni Joei.
Imbes na masaktan sa sinabi nila ay nagkibit balikat na lamang ako dahil totoo naman ang sinabi nila. I’m cold and not showy person. Lalo na ang pagiging pala kwento sa buhay ko, dahil wala naman talaga akong ikukwento. At oo, mailap ako, ayuko ng may makaalam ng kaabnormalan na meron ako.
Maniniwala ba kayo na sa loob ng dekadang nabubuhay ako sa mundo ni minsan hindi ko maramdamang kabilang ako dito. Para bang kakaiba ako at hindi ako bagay para sa mundong ito pero anong gagawin ko dito at ito ang buhay ko.
Mabilis natapos ang tanghalian wala narin namang masyadong klase at busy narin ang mga prof para sa reports and grades ng mga estudyante kaya naman mas busy sila kesa sa amin.
Matapos kong kumain kanina ay umalis na ako sa canteen at di na hinintay pa ang dalawa sigurado din naman akong kung ano ano lang din ang huling gagawin nila dito sa school.
“oh Kat, nanadyan ka pala” saad ni prof William ng mapansin ako.
“may kukunin lang po sana sa locker ko” sagot ko. Tumango naman ito saka umalis dala ang bag nya. Si sir William ay isa sa coach namin noon sa arnis pero dahil sa injury na natamo nya sa isang car accident na syang nakita ko noon ay hindi na sya nakahawak pa ng arnis pero nanatiling sinusubaybayan nya kami sa training.
“Ang weird mo sir William nu?” dinig Kung saad sa di kalayuan. Kung kayat muli kong binalingan ang likuran ni sir William. ‘matagal ng weird ang isang yan' bulong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]
Fantasy"Is the simple girl who have a simple life, can be this dangerous?" _KATANA