CHAPTER 1

56 33 0
                                    

"Galit ang lalaki. Lahat ng kanyang makita at mahawakan ay—"

"Nasisira" walang ganang sabi ko habang inaayos ang laman ng bag ko.

"Ay bakit nasisira ate Kat? Lolo? Ha?" Takang tanong ni Ella. Nagkibit balikat naman ako bago muling ayusin ang gamit ko.

"Ikaw talagang bata ka bakit mo pinangungunahan ang kwento ko" naiinis na sambit ni lolo. Mabilis ko syang sinilayan saka nginusuan.

"E kasi naman lo, halos araw araw yan din kwento mo sakin noon kaya ko nakabisado. Isa pa yan din kwento mo sa mga bata na tumatambay dyan sa kubo"  paliwanang ko pa sa kanya. "Ella, umuwi kana sabi ni tiya baka gabihin ka nanaman mapapagalitan ka"

"Sige po ate Kat" magalang na paalam ni Ella sa akin. Nagmano muna ito kay lolo bago umalis kaya naman ito at medyo natahimik ang maliit naming bahay ni lolo.

"Kamusta naman ang maghapon mo ija?" Hindi na ako nabigla sa mga tanong ni lolo dahil ganito naman sya araw araw simula noon pa man. Pero kasi nung panahon na tumungtong ako sa edad na labing walo ay parati na nya ako kinakamusta halos araw araw at kulang nalang ay bawat oras magtatanong sya. Pero di ko naman ito pinapansin, siguro ay dala lang ng katandaan kaya ganito sya.

"Maayos naman lo, medyo nahirapan lang ako sa pagtuturo sa anak ni ma'am jeybet" Saad ko tsaka inilabas ang mga librong hiniram ko sa library ng school.

Bagaman wala ang mga mata ko kay lolo ay ramdam ko ang kilos nito. At alam kong pinagmamasdan nanaman nya ako na tila ba ano mang minuto ay may kakaibang mangyayari sakin.

"Wala ka ba talagang nararamdamang iba?" Muling tanong nya. Medyo talagang may kakulitang taglay si Lolo, pero katulad nga ng sabi ko kanina baka dala lang yun ng katandaan nya.

"Lo, wala, tsaka ano bang klaseng 'iba' yung dapat maramdaman ko?" Balik tanong ko sa kanya. Agad umiwas ang kanyang mga mata at tumayo sa pang isahang upuan na kinauupuan nya kanina at naglakad papuntang kusina.

Noon palang ay nagtataka na ako kay lolo. Basta kakaiba sya simula ng nangyari yun, parang nung araw na yun nagsimula na syang mangamba. Parang simula ng mangyari yun natatakot na sya.

Napapitlag ako ng magvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. It's Rysha ano nanamang kailangan ng babaeng to?!

"Hmm, napatawag ka?" Sagot ko.

"Wala naman, free ka ba bukas? I mean baka pwede mong i-skip muna yung training sa club nyo papasama sana ako sayo.." tuloy na tuloy na sambit nya. Bumaling muna ako sa pinto papuntang kusina bago bumuntong hininga at naglakad papalabas ng bahay.

"Saan naman yan?"

"Sa bahay nila Joei. Hahampasin ko lang ng isa madrasta nun" biglang tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nya. Oo alam ko ang kakaibang pakikitungo ng madrasta ni Joei dito pero hanggang ngayon naiinis parin ako sa tuwing magkakaroon ng isyu na may sakitang nangyayari. Tulad ngayon, hindi magsasabi ng ganito si Rysha kong hindi sinaktan si Joei.

"Ano nanamang nangyari?"

"E itong magaling na madrasta ni Joei sinampal nanaman daw sya dahil lang late naka uwi at— teka nga bakit nga pala ang aga mo umuwi?" napairap nalang ako sa hangin dahil dito sa kausap ko. Hindi talaga magandang kausap, walang kasarap sarap hayyss. Laging naiiba ang usapan at ang hirap maibalik. Kaya no choice kundi sagutin sya sa tanong na gusto nyang masagot.

"Tinawagan ako ni Ma'am jeybet kelangan daw ng tutor ng anak nya ngayon" simpleng sagot ko. Tumahimik ang si Rysha ng mabilis bago ko narinig ang buntong hiniga nito. Sa ngayon ay hindi na ako magsasalita hahayaan ko na lamang syang isipin ang gusto nyang isipin.

KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]Where stories live. Discover now