CHAPTER 6

17 7 0
                                    

KATANA'S POV

ILANG oras na din ang lumipas simula ng tumitig at magbantay ako sa lugar na yun. Kung susumahin ay madaling araw ngayon, dama ko ang pabagsak na talukap ng mga mata ko pero di ako maaring matulog. Paubos na din ang tubig na laman ng bag na binigay sa akin. Nakain ko na din ang tinapay na kasama nito. Kahit na walang ginagawa ay dama ko ang pagod sa kabuuan ko.

Tahimik parin ang mga kasama ko. May ilang naglalakad lakad at meron ding ilan na tila ba may sinisipat sa pinakalabas. Ang werdo nila.

"Pwede ka namang tumayo sa kinauupuan mo ija" muling bumaling ang tingin ko sa matandang lalaki na ngayon ay nasa tabi ko.

Salamat nalang at kahit papaano ay pinupuntahan nya ako sa pwesto ko. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung tama lang ba na magsalita ako sa kanya gayung may kelangan akong sunding utos at yun ay ang hindi pagkausap sa mga nasasakupan ni Duke Silva hanggat walang pahintulot ng nakakataas na magsalita ako. Para akong tanga na pinipigilan ang dila ko na gumalaw para magsalita.

"Baguhan ka kaya maaring nagtataka ka kung bakit may ganito"

Tahimik ako habang nagsasalita ang matanda.

"Hindi ko alam saan ka nanggaling at tila di mo danas ang ganitong bagay" patuloy nya habang humihigop ng malamig na hangin. "Ang lugar na ito ay mapanganib ija, sa tagal ng panahong tahimik ang lahat, alam ng marami na muling darating ang digmaan ng mga palasyo. Mapapatikasan ng kakayanan at namumuno" wika pa nito na tila ba nandito sya para ikwento sa akin lahat ng yun.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magtagisan ng lakas at ng namumuno kung pwede namang manatiling malakas ang malakas at mamuno ang namumuno" intrada ko dito saka bumuntong hininga at muling sinilip ang kadiliman. Mahigpit na kinagat ko ang labi ko ng di ko mapigilan ang pasalita nu. Bawal ka ngang magsalita hindi ba?!.

"Iyon din ang di ko alam. Ang lahat ng to ay natapos na noon pa man isan daang libong taon na ang nakakaraan" nanlaki ang mga mata kong tumingin sa matanda na ngayon ay pinupunasan ang talim ng dulo ng kanyang pana. Ganon katagal?  "Payapa ang lahat ngunit isang kataksilan nanaman mula sa isang kaharian ang namutawi, lumukob ang kasamaan ng lahat ng palasyo dito. Dumating ang digmaan at nagtapos sa kapayapaan at pagbibigay ng kasiguraduhan ng bawat isa ay malaya ang pinanghawakan ng bawat palasyo. Pero...." Natigil ito sa pagsasalita ng matusok ng dulo ng pana ang kanyang hintuturo. Lumabas ang gatuldok na dugo bago nya ito ilapat sa hinlalaki nya na para bang tinatanya kung malapot ba ang dugong yun o Hindi. "...dahil sa pinagbabawal na pag iibigan ay muling gumuhit ang kaguluhan—"

"Oras na ng kasama mo para sya naman ang maglakad lakad sa kabila ng pader"

Pareho kaming  nagulat ng matanda sa biglang pagsulpot si Frashan sa harap namin. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili habang tinitingnan ang isang batang lalaki na humahakbang papasok sa kinalalagakan namin. Basang basa ang kanyang damit at nanginginig ang mga kamay. Para bang takot na takot ito sa mga nakita at naramdaman nya sa loob ng madilim na gubat na iyon.

"Ang bata naman nun" I mumbled.

"Wala tayong magagawa sa utos ng Duke ninyo" lintanya ni Frashan habang tinitingnan lamang ang batang lalaki na maupo at yakapin ang sarili sa isang tabi. Walang emosyon sa mukha ni Frashan pero nakikita ko ang pag aalala sa kislap ng mata nya. "Ikaw na ang sunod na roronda"

Napalunok ako sa boses na yun ni Frashan para syang leader ng mga tao dito. Matukas ang tindig nya at hindi nakikitaan ng kahinaan.

Wala na akong nagawa ng iabot sakin nito ang isang kahoy na sing haba ng isang dangkal ko. Tinitigan ko lamang ito. Ano gagawin ko dito? Ipambabato?

KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]Where stories live. Discover now