CHAPTER 4

27 21 8
                                    

KATANA'S POV

HINDI ko alam kung ilang  oras na ang lumilipas at nanatili parin ako sa loob ng madilim na silid na yun. Nag sisimulang lumamig ang paligid  at nagsisimula naring kumalam ang sikmura ko nagugutom na ako. Bakit ba ang tagal bumalik ng tukmol na yun?

"nasa dulong silid daw ang babeng yun" tinig ng isang lalaki  sa di kalayuan sa akin. Dinig ko ang bawat yabag ng mga paa palapit sa akin. kung tama ang pagkalkula ng aking pandinig nasa apat na paris ng paa ang papunta sa bahagi ko.

At di nga nagkamali ang nasa isip ko. Ako ang pakay nila.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko ng bumukas bigla ang pintuan ng silid na iyon, masakit sa ulo ang silaw na binibigay ng ilaw na nasa kamay ng isang lalaki. Para bang kaya nitong bulagin ang mga mata ko.

"put it away Comel" isang malamig na turan ng  lalaki na syang may hawak ng pintuan. Hindi naman nagreklamo ang Comel na yun bagos ay itinago nya sa bulsa nya ang kanyang palad.

The dim light is the only way for me to see what kind of face the guys in front of me have. My eyes fell to these. And my calculation betrayed me, I thought they're just four but..... they are five. My eye gazed to the man who leaned into the wall. His two hand obscured to his pocket. He have fine body, tall.. ahmm yeah, okay I admit. This is the first time I gonna say this but this guy's in front of me was dropped dead gorgeous.

Who the hell they are?! What the fvck kind of face have they? Gods.

Nakatulalang pinagmasdang ko sila pabalik balik. Napakagagandang nilalang naman ng mga ito. Hindi ganito ang ugali ko, I never ever admired person faces but, who are not gonna shocked to this kind of beauty? Para silang mga prinsipe. Mga hari.

"Are you gonna stay here and nothing plan to move your ass to get out there?" napakurap kurap ako sa sinabi ng lalaki na nakahawak sa pintuan ng silda. Nakakunot ang nuo nya na para bang kanina pa sya naaasiwa at sinasayang ko ang oras nya. "Just tell us and we'll make sure you're not going to exit on this cage" nanlaki ang mata ko at mabilis na inihakbang ang mga paa.

"Hwag mo namang takutin Jacob"

"Hindi ko sya tinatakot Chael. I just telling the fact here" usal nung Jacob saka naunang maglakad. Sumunod naman agad sa kanya yung lalaking nakasandal sa pader kanina.

Napaka sungit naman ng kumag na to. Kung matangkad lang ako binatukan na kita.

"You can't do that to him" para akong natulos sa kinatatayuan ko ng magsalita yung lalaki sa likuran ko.

"H-Ha?" garalgal na saad ko kaya naman tumikhim ako.

Ngumiti ito ng malawak dahilan para matago ang kanyang singkit na mga mata.

"Sabi ko hindi mo kayang batukan si Jacob, not because he is tall but because you...." napasinghap ako ng ipatong nya sa buhok ang palad nya at bahagyang ginulo yun "just can't" pagtatapos nya saka sya sumunod sa dalawang naunang maglakad. Narinig nya yun? Imposible di ako nagsalita!.

Kahit na may ilaw sa pasilyong iyon ay nanatiling madilim ang paligid para sa akin.

Nagtatakang tumitig lang ako sa likod ng lalaking yun bago unti-unti itong nawala saka ko hinawakan ang buhok ko. At nilunok ang laway na naipon sa bibig ko.

"Makakalakad ka ba?" Tanong sa akin nung Comel. "Sa bagay may paa ka kaya makakalakad ka" saad nya pa bago din naglakad papalayo.

"Pagpasensyahan mo na sila ganyan lang talaga pag naaabala medyo nagsusungit sila" ngiti nung Chael sa akin at ipinatong  sa balikat ko ang tela na kanina pa nyang hawak. "There, let's go" sambit nito saka sinabayan ako sa paglalakad. Gusto ko magsalita pero tila naputol ang dila ko dahil di ako makaimik. Para bang delikado pag nagsasalita ako ng hindi pinag iisipan ang mga sasabihin.

KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]Where stories live. Discover now