KATANA'S POV
"ISANG beses sa isang taon lang nangyayari ang bagay na ganito" bulong ni Lita sa akin habang namimili kami ng damit na susuutin namin bukas para naman daw hindi kami mukhang dukha. May mga damit naman ako at ayos na ako dun pero syempre iba yung sa kanila sa meron ako.
"Ano namang nangyayari dun?" tanong ko habang nakatingala sa ilang damit na nakasabit.
"Pumipili ang Royal Highness ng mapapalad na mamamayan para turuan at mag insayo ng kanilang kakayanan sa loob ng palasyo" sambit nito na kumikinang kinang pa ang mga mata.
Parang ayaw ko na agad sa salitang 'mag iinsayo ng kakayanan sa palasyo' bruhh I don't have a fvcking ability like them? At talagang di naman ako mapipili dun.
"Paano sila pipili?" Kyuryusong tanong ko.
"May kakayanan sila na makita ang potensyal ng isang tao. At kung ano at paano ay hindi ko din alam" sambit ni Lita saka inabot ang kulay maron na sweater jacket at tiningnan kung bagay sa kanya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng tindahang aming pinamimilihan. Kahit pa sabihing hindi alamng kami ang nasa loob nito ay tahimik talaga ang marami. Habang abala si Lita sa mga damit na pinipili nya ay naglakad lakad ako patungo sa sulok kung saan nakalagay ang mga damit na tila ba hindi gaanong napapansin ng marami. Doon ko naisipang mamili ng susuutin ko. Mahahabang leather jacket, sweater jackets at marami pang iba. Isang paris ng damit na nakasabit sa pinakadulo ng sabitan ng hanger ang nakuha ko. Tinitigan ko itong mabuti, maganda pa naman ang damit na iyon pero tila ba nagmumukhang luma at pangit dahil sa alikabok na nakabalot dito.
"Gusto mo ba ang isang yan ija?" tanong ng matandang babaeng nag titinda. "Walang nagkakainteres sa mga nandito kung kaya't ibibigay ko na lamang iyan sa iyo kung gusto mo"
Bigla akong napangiti sa tindira at tinanguan ito. Napakabait at maamo ang mukha nya. Nakangiti ding inabot nya sa mga kamay ko ang hawak ko saka may kinuha din sa ilalim ng kabinet na napapatungan ng ilang mga sapatos. Sinundan ko lamang ito patungo sa kanyang lamesa at tiningnan habang ibinabalot nya sa kulay pulang tela ang damit at sapatos?
"Ahh lola wala po akong pambayad sa sapatos" nahihiyang saad ko ng mapansin iyon.
Tumawa naman ang matanda saka umiling ito sa akin.
"Bigay ko na lamang lahat ito sayo ija..." turan nito. "Salamat sa iyong trabaho sa labasan" nagulat ako sa sinabi ng matanda.
Isa sa dapat maging sekrito sa katulad kong nagbantay sa labasan ay panatilihing lihim kung sino sino kaming nakakakita sa gubat na iyon, walang dapat makaalam at walang dapat umalam.
"Huwag kang mag alala sapagkat mananatiling lihim din iyon sa akin" bulong na kindat nito saka inabot sa akin ang balot na tela na iyon saka inasikaso ang isang mamimili.
Nakangiti ito habang kinakausap ang mga bumili na tila sabik din para sa bukas.
"Oh, nakabili kana?" tanong ni Lita ng makapunta ito sa kinatatayuan ko. Nagbabayad narin siguro sya sa kanyang napamili. "Saan ka kumuha ng pambayad?" dagdag nito.
"Magbayad kana lang hintayin kita sa labas" Sabi ko saka tinapik ang balikat nya at naglakad palabas.
Dinig ko pa ang pagtawag nya sa aking 'kat' pero hindi ko na ito nilingon at dumiretsyo sa mga bilihan ng kwentas at kung ano anong abubot.
"Magkano ito?" tanong ng isang babae sa bata na nakaupo sa gilid ng daan habang nakasabit sa leeg nya ang tela na nakakabit sa parisukat na tabla na syang napapatungan ng ilang alahas.
YOU ARE READING
KATANA: Daughter Of Shadow [On-going]
Fantasy"Is the simple girl who have a simple life, can be this dangerous?" _KATANA