HINDI PA RIN SAPAT

3 0 0
                                    


Kailan mo masasabing sapat ka na?
Kapag ba masaya siyang tumatawa kapag kasama ka niya?
O kapag ba masasabi mong kontento kana?
Pero naging sapat ka nga ba para sa kanya?
Kung sapat ka na bat parang may pagkukulang ka?
May kulang nga ba?
Pano mo pupunan kung meron?
Teka, ano pa bang meron?
Meron pa bang kayo?
Meron pa bang totoong nagmamahal sa dalawa sa inyo?
Meron bang hindi nakontento?

Kailan mo masasabing sapat ka na?
Yung tipong sa kahit na anong bagay kontento na sya
Pero sapat nga ba?

Kahit ilang minuto kang sumigaw na mahal mo siya
Kahit ilang oras ang ginugugol mo sa pag aantay sa kanya
Kahit ilang araw kang mag isang nagluluksa dahil hindi mo siya makita-kita
Kahit ilang taon kapang umiyak at maglabas ng balde-baldeng luha
Hindi pa rin pala sapat
Dahil kung naging sapat ka
Bakit umabot sa puntong nagkabinatawan kayong dalawa?

Siguro nga sa pagsigaw mo, nagbingibingihan nalang siya
Siguro sa pag aantay mo, may nakita na siyang mas kaaya-aya
Siguro sa pag iyak mo tanging lupa lang ng mundong kinatatayuan mo ang nakakaramdam kung gaano kabigat ang mga ito

Mga luha na hindi nya piniling pansinin
Mga luha na nagpapahiwatig na ang sakit
Mga luha na nagsasabing hindi mo na kaya
Kasi hindi ka naging sapat para sa kanya
Nagdasal ka sa pagitan ng iyong mga hikbi
Pinagdasal mo na sanay bumalik siya sayong tabi
Pero kahit bumalik man siya
Hindi nito mabubura ang katotohanan
Katotohanan na hindi ka naging sapat
Kasi kung naging sapat ka para sa kanya
Hindi kailanman mararamdaman ng katawan nya na pagod na siya
Hindi kailanman maghahanap ang bisig nya ng presensya ng iba
At hindi kailanman sasagi sa isip nya ang saktan at bitawan ka
Kaya hindi, hindi ka naging sapat para sa kanya

Pinili nyang saktan ka
Pinili nyang mapagod
Pinili nya na bitawan ka
Pero heto ka parin
Nagtatanong kung bakit iniwan ka nyang mag isa
Patuloy sa paghahanap ang puso't isipan mo ng sagot
Bakit? Bakit napunta sa ganun?
Bakit tayo nagkaganun?
Kasi hanggang ngayon,
Hanggang ngayon, mahal
Hanggang ngayon sa pagitan ng isang libo kong hikbi naaalala ko
Naaalala ko yung unang paghawak natin ng kamay
Unang pagyakap na para bang kay sarap ng buhay
Hanggang sa huling kaway at pagbitaw ng kamay
At pagiging mag isa na nag iisip kung paano na ba ang buhay
Ikay lumisan kasi hindi ako naging sapat
Dahil kung naging sapat para sa iyo ang lahat
Hindi kailanman mang-iiwan ng sugat sa taong hindi karapat dapat.

POEMSWhere stories live. Discover now