PROLOGUE

697 36 1
                                    

PROLOGUE

Nandito kami sa clinic ng doktor ni Gabriel. Si kuya sana ang kasama ni Gabriel mag pa check-up pero may meeting siya kagaya ng asawa niya. Ako nalang daw ang makakasasama ni Gabriel, nilalagnat daw siya noong nakaraan.

Tinext sa akin ni kuya kung saan ang clinic at kakarating lang namin. Hindi ko na tiningnan ang pangalan ng doktor sa labas dahil busy ako sa phone ko, kasama rin kasi namin yung sekretarya ng doktor.

Pumasok na kami sa loob at umupo na rin ako sa upuan habang tutok na tutok sa aking phone nang biglang nagsalita ang sekretarya.

"Doc. Natividad, ito na po sila Ms. De Lion." Pagkasabi ng sekretarya'y bigla akong tumingin sa doktor, at parang nakita ko na ito ngunit hindi ko maalala kung saan.

"Thank you!" maikling sagot ng doktor. Pagkalabas ng sekretarya ay pumunta si Gabriel sa doktor, bigla niya itong niyakap at bumitaw din ito.

"Kamusta ka na, Gabriel? May lagnat ka pa ba?" nag-aalalang tanong ng doktor. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa doktor na kaharap ko. Pinipilit kong alalahanin kung nagkita na ba kami ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga maalala.

"Opo!" malungkot na sabi ni Gabriel

"Sino naman ang babaeng kasama mo? Pakilala mo naman ako, wala pa naman akong girlfriend," sabi ng doktor kaya tumango naman ang bata. Pumunta sila sa harap ko kaya tumayo ako tsaka ngumiti sa doctor.

"Tita, si Tito Justin po pala! Wala po siyang girlfriend" sabi ni Gabriel kaya tumingin ako sa doktor. Gwapo, moreno, matangkad at matangos ang ilong nito.

"Hi! Ako nga pala ang doktor ni Gabriel, I'm Justin Natividad," ngiting sabi ng doktor at nilahad niya ang kanyang kamay sa'kin.

Inuulit-ulit ko ang pangalan niya sa isipan ko. 'Justin... Justin... siya ba ang kaibigan ko dati?'

"Hello! Ako ang kapatid ng daddy ni Gabriel, I'm Stephanie Louise De Lion," ngiting sabi ko at tinanggap ang kamay niya, tsaka nakipagkamay.

"I'm sorry, pero... nagkita na ba tayo dati? Saan ka ba nag-aral?" dagdag na sabi ko.

Ngumisi muna siya bago nagsalita. "Mag kaibigan tayo dati Stephanie," patawa nitong sabi. Naalala ko na siya, bakit nga kasi nakalimutan ko.

"Justin! Ikaw na ba 'yan?"gulat na sigaw ko kaya nagulat si Gabriel sa'kin. Natawa lang sa akin si Justin.

"Oo hahaha, umupo muna kayo doon at magkuwentuhan tayo" ngiting sabi niya. Tumango lang kami at umupo sa upuan. "Kamusta ka na ngayon, Attorney De Lion?" dagdag pa nito.

Hindi niya ata alam na hindi ako nagpatuloy na maging abogado.

"Hahaha ito, buhay pa rin," biro ko. Magsasalita na sana siya nang biglang may kumatok.

"Sorry for disturbing you, Doc. Natividad, but Mr. Valencia is already here. Shall I let him in, Doc?" sabi ng sikretarya.

"Yes, let him in," tumango lang ang sikretarya nito.
Biglang may kumatok at pumasok ang isang lalaki.

Tumayo si Justin sa upuan niya at nagtungo sa lalaki na iyon. Sakto ang kulay ng balat nito, mas matangkad siya kay Justin, matangos ang ilong.

"Caleb! Akin na. Mabuti naman binalik mo na ngayon ang hiniram mo." sabi ni Justin at tumingin sa akin sabay ngisi.

"Tito Caleb!" sigaw ni Gabriel sa lalaki. Tumakbo ito papunta sa lalaki sabay yakap. Gumanti naman sa pagkakayakap ang lalaki.

Infairness ang gwapo niya pa rin.

"Hi, Gabriel. Sino kasama mo? Si Daddy mo ba?" tanong ni Caleb. Bumitaw ito sa pagkakayakap at humarap kay Gabriel.

"Hindi po, Tito! Ipapakilala po kita sa kanya," sabi ni Gabriel at pumunta sila sa akin. Tumayo naman ako nang nakangiti.

I'm Inlove With The Playboy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon