02

205 25 0
                                    

Nandito kami ni Austin sa canteen, walang masyadong tao dito kaya may nakita kaming bakanteng mauupuan.

At dito na nagsimula ang kaguluhan.

"OMGGG! SI AUSTIN!!"
"AUSTINN!! MY LOVES!"
"PREEE AUSTIN!"

Maraming kinikilig, tumitili at naghahampasan sa katabi nila dahil nakita nila si Austin. At dahil don, doon na lumabas ang mga zombie.

Eme, mukha na silang zombie dahil sa mga ginagawa nila. Tiningnan ko ang kasama ko, bat naman sila na gwa-gwapuhan sa mokong na ito?.

Mukhang aso nga e 🐶

"Oh bat ganyan ka makatingin sakin? Ang gwapo ko diba?"sabay ngisi sakin. Inirapan ko lang siya at umupo sa bakanteng upuan.

"Mukha kang aso" inis kong sagot.

"Wow? Sa mukha kong ito????" Mukhang naiinis na sya.

So what?

"Oo! Dahil sayo lumabas na yung mga putanginang tao. Nagmumukha na silang zombie" reklamo ko, at natawa nalang siya. Kaya hinahampas ko siya sa balikat, habang siya tumatawa.

"Stephanie?"napatingin ako mula sa likod, kung san nanggaling iyon.

Nagulat at napatayo ako. "Carl?" Tanong ko, at mabilis ko siyang yinakap.

"Stephanie kamusta?"tanong ni Carl na may kasamang ngiti.

Ang pogi parin ng kaibigan ko.

"Okay lang naman ikaw?" Tanong ko at ngumiti.

"Ito dito padin nag-aaral, kinaya pa hahaha " biro niya at natawa nalang kami. Napatingin siya kay Austin at tinitignan din pala kmi.

Oo nga pala! Di sila magkakilala.

"Ahhh Austin, si Carl kaibigan ko nung elementary pa at, Carl si Austin kaibigan ng kuya ko."sabi ko habang tini-tingnan sila.

"Nice to meet you pre"ngiting sabi ng aso, este ni Austin.

"Nice to meet you din pre"ngiting sabi ni Carl at tumango.

Si Carl ay nag iisang kaibigan ko na lalaki nung elementary pa kmi, apat kami niyan sa grupo. Si Mackenzie, Serenity, Carl at Ako.

"Upo ka Carl, kami lang naman ni Austin ang magkasama. Kaya wag kana mahiya" ngiting sabi ko. Umupo na siya at katabi ko naman si Austin.

"Dito ka pala nag -aaral Carl, bago ka lang ba dito?"tanong ni Austin.

Hinayaan ko lang sila mag usap, habang kumakain ako.

"Hindi. Dating classmate ko si Stephanie dito, tska kilala na kita dati. Nung umalis si Stephanie, doon na kayo kilala lahat ng mga istudyante dito." Ngiting sagot sa kanya ni Carl.

"W-wait dito na pala kayo Austin nung grade 7 kayo?"tanong ko habang umiinom ng coke.

"Yup dito ako nag aaral simula nung grade 7, pero bakit hindi kita nakita dati?"naguguluhan na tanong niya sakin kaya inubos ko muna yung pagkain sa bibig ko at nagsalita.

"Eh di ko alam."sabi ko at nagpatuloy kumain.

"Paano ka niya makilala Austin, palagi naman yan busy sa mga away niya haha" biro ng isa, tiningnan ko lang sya ng masama.

"Napapa-away ka Stephanie?"

Oa naman ng katabi ko:/

"Tsk lagi yan may pasa dati, kaya ayan pinapagalitan ng kuya at magulang niya. Bakit pala kayo nandito sa canteen wala ba kayong klase?"

"May pasok kami kaso late na. Nagugutom na din si Stephanie, kaya dito nalang muna kami. Ikaw? Bat ka dito?"

"Vacant lang namin, balik na ako. " tumingin siya samin at ngumiti tsaka tumayo "Eat well Stephanie! See you around!"sabi niya at umalis.

I'm Inlove With The Playboy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon