Kinabukasan, mabilis kong nagawa ang routine ko sa umaga dahil ilang minuto nalang klase na namin mabilis ako bumaba at tinawag ko si Kuya Daniel para sunduin ako papunta sa iskwelahan pero wala ulit yung driver namin dito badtrip naman, dali dali akong lumabas at tumakbo papuntang iskwelahan , hindi ako nag taxi dahil siyempre exercise.
"Ay gago!"tatawid na sana ako ng kalsada nang biglang may nagpakawala ng malakas na busina sa likuran ko dahilan para napamura ako dahil sa gulat.
Saktong paglingon ko , Isa-isa nang nagsibabaan ang tatlong lalaki sa isang mamahaling sasakyan .Sino pa mga ba ang mga ito? Eh 'di ang mga Certified playboy! Ang mga maraming babae at mga mahilig sa away!.
"Hoy! Grabe kayo ha, ginulat ninyo ako parang walang ambag sa mundo" sigaw ko sa kanila ,pumunta sakin si Xavier
"Okay ka lang ba Bestfriend? Ikaw kasi eh di ka tumitingin sa kanan at kaliwa " tiningnan ko siya nang masama.
"Tara na Stephanie baka malate pa tayo" masayang sabi ni Justin hindi ba sila mag so-sorry?!
"Tss sino ba nag drive kanina ?"tanong ko sakanila at tiningnan ko sila.
"Ako bakit? May problema ba?" Sabi ni Caleb at pinagkrus ang braso niya tsaka ngumisi.
"Hindi ka ba mag so-sorry?! Ginulat mo ko eh!" Tss badtrip talaga yung mokong nato hindi niya ba alam yung salitang sorry o pasensya.
" Tss.Bakit naman ako mag so-sorry tomboy? Ikaw nga yung biglang tumatawid sa daan ."Sasakay sana siya sa sasakyan, hinawakan ko ang braso niya at pinaharap sakin tsaka sinapak kaya napa upo siya at nagulat.
"Wtf! wala ka bang ginagawa sa buhay?!"Sigaw niya sakin,tiningnan ko lang siya at ngumisi
"Matuto ka mag pasensya"sumakay na ako sa sasakyan at sumunod din sila.
"Sakit yun ah! HAHAHAHA baka Stephanie yan!"birong sabi ni Xavier habang tumatawa, kaya tiningnan siya ng masama ni Caleb.
"Ayan kasi Pre hindi ka nag so-sorry kay Stephanie HAHAHAHA" tawa ng isang mokong,kaya natawa nalang ako sakanila, Si Caleb ayun naiinis habang nag dri-drive katabi ko sila Justin at Xavier.
Dumating na kami doon sa iskwelahan at isa-isa nang nagsibabaan, maraming tumitingin samin or sakanila lang .Famous kasi sila kaya ganyan ewan ko ba sa mga tao dito bakit nila nagugustuhan yung mga kasama ko na playboy.
"Stephanie hintayin mo ko" sigaw ni Justin habang tumatakbo na papunta sakin, kaya hinintay ko nalang siya dito sa gitna ng parking lot. "Stephanie grabe ka sumapak kay Caleb kanina ah! Idol na ata kita!"sabi niya at nagsimula na kaming naglakad papuntang classroom.
"Tss siya naman yung nauna ah" tumakbo na kami at pumasok mabuti naman hindi pa dumadating si Ma'am.
Ilang minuto nakalipas pumasok din sila Caleb at Xavier, tumingin sakin si Caleb ng masama at ngumiti ako sakanya para mapikon siya tsk tsk.
"Pre anong nangyari sa mukha mo?"tanong ni Eric na classmate namin.
"Tss may sumuntok lang " sabi ni Caleb at tumabi kay Justin
"Sino ba sumuntok sayo pre? Suntukin ko!"sabi ulit ni Eric
"Pwede ba tumahimik kana, baka suntukin pa kita diyan." Galit na sabi ni Caleb kaya tumahimik nalang si Eric habang yung iba natawa nalang.
Dumating na din si Mackenzie at ilang minuto nakalipas dumating na din yung guro namin at nagklase kami tsaka nag sitting arrangement, sobrang badtrip alam niyo ba yun?
"So next si Mr. Teodosio katabi niya si Ms. De Lion at next kay Ms. De Lion, si Mr. Valencia"sabi ng guro namin lumipat na ako sa likod at umupo sa tabi ni Caleb at tumahimik tsaka pinagkrus ko ang braso ko.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Playboy (EDITING)
Dla nastolatkówSa paglipas ng panahon, nag-iba ang takbo ng mundo ni Stephanie Louise De Lion, isang babaeng puno ng katarantaduhan ang utak. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang dating paaralan, nakilala niya ang mga 'Playboys' na nagdulot ng kaguluhan sa kanyang bu...