01
"Louise, wake up!" Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si kuya Lucas na inis na inis.
"Kuya naman eh, natutulog pa yung tao," sabi ko at pinikit ko ulit ang aking mga mata.
"Tao ka pala hindi mo manlang ako sinabihan. Bumangon ka na! One... two..." inis niyang sabi sakin pero hindi ko nalang ito pinansin.
"Three. If you don't get up there Stephanie, I will confescate your phone. Four..." dagdag niya pang sabi. Dinamay ba naman yung cellphone kong tahimik lang sa tabi. Minulat ko na lang ang aking mga mata at tiningnan siya nang masama. "Good. Mag-ayos ka na at first day of school mo pa, tapos malalate pa tayo. Bilis na!"
Nagulat ako sa sigaw ni kuya. Dali-dali akong kumuha ng mga damit ko at pumasok na sa banyo. Narinig kong sinirado ni kuya ang pintuan lumabas na siguro iyon. Nagsimula na akong maligo.
Ilang minuto ang nakalipas, nagbihis na ako. Naka-hoodie at naka-pantalon lang ako, may t-shirt din ako sa loob ng hoodie ko. Bumaba na ako para makakain na, dinala ko rin agad yung mga gamit ko para sa eskwelahan, pumunta ako sa kusina para kumain. Doon sina Kuya, Mama at Papa.
"Good morning, sweetie," bati ni Mama at Papa habang nagkakape.
Ang sweet ni mama pero minsan strikto rin tsaka pinagsasabihan kami niyan ni kuya kapag tinatawag kami palagi dati ni kuya sa principal office. Si papa naman masayahin at binibigyan niya kami niyan ng pera 1k o minsan 3k pero si mama 500 yung binibigay niyang pera everyday.
"Good morning, Mama at Papa!" sabi ko tsaka yumakap sa kanila. Masaya ako dahil may magulang kaming mga mababait.
"Kumain ka na, baka ma-late kayo ng kuya mo," sabi ni Mama at pumiglas ako sa pagkayakap para kumain na ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ko na lahat ng gagawin ko at pupunta kami ngayon ni kuya sa eskwelahan.
Sa unang taon ko sa paaralan na ito, dito ako nag-aral noong grade 7. Hindi na ako nagpatuloy dito nung grade 8, ngunit bumalik ako ngayon para mag aral ng grade 10. Sa kabila ng ilang pagkakamali tulad ng pagiging mahilig sa away at madalas na pagpapadala sa opisina ng principal, nanatili akong isang mag-aaral na may karangalan DATI. Ngayon nasa Section 3 na ako (:/) naiinis ako dahil sa mababang marka ko noong grade 9. Iniisip ko kung kilala pa rin ako ng mga tao doon sa paaralan.
"Hoy Louise, anong nguso-nguso mo diyan?" sabi ni kuya. Tiningnan ko na lang siya nang masama.
"Kuya, bakit ako naging section 3?" tanong ko sa kanya ngunit tumawa ang mokong. "Oh bakit tumatawa ka diyan? Baliw ka ba?" dagdag kong sabi. Tiningnan niya ako ng masama, baliw ata si kuya.
"Tsk kasalanan ko bang ang baba ng grade mo nung grade 9? Tsaka wag kang mag-alala, naroon din naman yung kaibigan mong babae. Dalawa lang kayo roon na babae."
"Sinong kaibigan? Si Mackenzie?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa'kin. "Eh ikaw kuya? Anong section ka?"
"Section 2."
"Ah grade 10 section 2? Hahaha, ayan basagulero ka kasi," biro kong sabi sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama. Si kuya kasi grade 11 sana siya ngayon kaso bumalik ng grade 10, tanga tanga kasi eh. Hahaha.
Nandito na kami sa De Luna Academy. Bagaman maganda ang paaralang ito, noong ako'y grade 7 tila ang luma ito, ngunit ngayon, mukhang bago na. May mga building lang para sa Junior High School at Senior High School. Pagbaba namin sa sasakyan, napansin namin ang maraming nag-uusap at
nakatitig sa amin."Mauna ka na, hanapin mo na yung Classroom mo, baka ma-late ka pa," sabi ni kuya. Tumango lang ako sa kanya tsaka pumasok na sa loob.
Kinuha ko yung papel sa bag ko na binigay sa akin ni mama kanina, nakasulat ang room number ko. Habang hinahanap ko ang classroom, bigla kong narinig ang mga babae na nagtatawanan. Agad akong lumapit sa kanila at napansin ko ang daming tao doon na parang may gulo. Pumunta ako doon at tingnan.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With The Playboy (EDITING)
Novela JuvenilSa paglipas ng panahon, nag-iba ang takbo ng mundo ni Stephanie Louise De Lion, isang babaeng puno ng katarantaduhan ang utak. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang dating paaralan, nakilala niya ang mga 'Playboys' na nagdulot ng kaguluhan sa kanyang bu...