06

90 16 0
                                    

[AUSTIN POV]

"Anong sabi ng kapatid ko pre?"Tanong ni Lucas na nag-alala. Kanina pa kasi, kami naghihintay sa kanya.

"Sabi niya papunta na daw siya eh" sabi ko naman , ewan ko ba bakit iba yung tono ni Stephanie kanina.

"Hintayin nalang natin si Bestfriend! Usap usap nalang tayo muna!" masayang sabi ni Xavier

"Tss. Ano naman yung topic?"sagot naman ni Caleb habang nilalaro niya yung lapis niya.

"Oo nga isip ka ng topic Xavier "sabi naman ni Justin tsaka ngumisi.

"Alala niyo ba yung Crush nating apat?HAHAHAHA yung babae nung grade 7?"tawa ni Xavier kaya natawa kami, hays ang panget namin noon parang mga nerd eh.

"Ahh oo yung magandang babae na nakita ni Austin AHAHAHA kamusta na kaya yun?"sabi ni Justin

"Tss. Oo nga bigla nalang siya nawala noh?"sabi ko naman

"I miss her. "Sabi ni Caleb kaya bigla kami tumingin sa kanya "What?" Tanong niya.

"Sinong namimiss mo?"tanong ni Justin sakanya

"Yung babae diba yung topic natin nung grade 7 tss." Sabi niya ulit kaya tumango kami at natawa.

"Alala niyo ba si Xavier dati kakausapin na niya sana yung babae pero ayun bigla nalang umalis HAHAHA" sabi ni Justin at tumawa kami.

"Nakakahiya kaya yun!"reklamong sagot ni Xavier sa kanya at natawa na lang.

"Alala niyo ba dati yung babae maraming nakatingin sakanya!"sabi ko

"Yah hmm weird baka kilala nila yung babae?"tanong naman ni Xavier

"Baka.."sagot naming tatlo

"Alam niyo ba rin tatanungin ko sana yung pangalan niya pero ayun tinawag siya nila Mackenzie" walang ganang sabi ni Caleb.

"Wehhhh sayang!"sagot naman ni Justin may padabog pa.

"Natawa ako sainyo dati yung magpapakilala na sana kayo tapos bigla nalang siya umalis AHAHAHAHA hays ayan kasi ginusgusto niyo yung babae na yun"tawa naman ni Lucas kaya napatingin kami sa kanya.

"Tss di niyo ba alam, dati nakita ko siya syempre nagpabida ako para mapansin niya ako"sabi ko naman.

"Di mo ba alam pabida ka parin hanggang ngayon?"nang-aasar sabi sa akin ni Lucas.

"OHHHH SMOOTH!"sigaw naman ni Xavier, tiningnan ko lang siya ng masama.

"Atleast nakikita ko siya dati kapag pumapasok siya dito sa iskwelahan at nabangga ko pa siya, pero alam ko naman nainis siya pero ang ganda niya" dugtong ko, kamusta na kaya yun.

"Kakausapin ko nga siya nun bigla nalang dumating yung driver niya, kaya ayun sayang. Epal kasi ng driver!"reklamo ni Xavier

"Tss di niyo ba alam na kilala ko yung babae na gusto niyo dati"sabi bigla ni Lucas kaya bigla kami tumayo

"Wehhhhhhh???"sabay na sabi namin.

Kaya tumango si Lucas sakanya ng biglang may tumawag sa phone ko si Carl pala.

I'm Inlove With The Playboy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon