05

113 19 0
                                    

Pagkauwi namin kumain na agad kami, habang kumakain kami biglang may nag doorbell. Pumunta si yaya para tingnan kung sino yon.

"Sino yan ya?" Tanong ko habang kumukuha ng ulam.

"BESTFRIEEEEEEEENDDDDD!!!!!!" Napatigil ako sa pag-nguya at napatingin kung san nanggaling.

Puta bat nandito to?

Napatingin ako sa mga kasama niya na kakapasok lang, bat sila nandito? Napatingin din sila sa lamesa at bilis silang umupo. Habang si yaya kumuha na ng mga plato.

Wow ang galing:/ pumunta talaga sila rito para kumain????

"Hoy ang kakapal ng mga mukha niyo, bat kayo nandito?? Wala ba kayong pagkain sa bahay ninyo?"reklamo ko.

"Dito sila matutulog louise, hanggang birthday mo" sagot ni kuya, kaya napatingin ako sa kanya kung nagjojoke ba siya o hindi.

"Kuya next month pa birthday ko" tinignan ko siya ng masama.

"Hoy gaga! Month of July na bukas, siraulo din ang kuya mo na yan. Nakalimutan niya ata na july na bukas" reklamo ni Justin.

"Pero seryoso? Dito talaga kayo matutulog?" Sabay silang tumango, at sabay rin silang kumuha ng pagkain. Napatingin ako kay Kuya "Kuya alam ba ng mga magulang natin?" tanong ko, tumango naman siya.

Napatingin ako sa mga kaibigan namin.

Haha parang hindi kumain ng isang linggo ah. dalawa palang yung kinain ko na hotdog, ubos na.

"Yaya, pwede po ba magluto pa kayo ng ulam? Kulang pa kasi samin yung  ulam. Salamat po" ngiting sabi ni Kuya, ngumiti nalang yung yaya namin.

"Anyways Kuya, thank you ang gwapo mo talaga" sabay ngiti ko.

"Hoy Stephanie, wag kang plastic sinabi mo lang yan na gwapo ang kuya mo dahil sinurprise ka niya e!" Reklamo ni Justin.

Reklamador talaga yung mokong na ito.

"Manahimik ka diyan Justin, baka paalisin kita dito" sagot naman ni Kuya.

"Tumahimik nalang kaya kayong dalawa" reklamo ko rin. Sasagot na sana si Justin, biglang nilapag ni Yaya ang masarap na ulam.

"Ito na po yung ulam niyo" ngiting sabi ni Yaya.

"Wowwww fried chicken! Pero pass busog na ako sa hotdog eh! pero pahingi ng isa!" siraulo talaga ni Xavier tsk.

Kumain kami habang nag kwe-kwentuhan.
Pagkatapos namin kumain, inayos muna namin ang mga pinagkainan namin. Marami pang ulam ang natira.

"Yaya kumain na kayo, maraming pang ulam" ngiting sabi ko, ngumiti naman pabalik si Yaya.

Doon ang mga kaibigan ko at si Kuya sa sala, nag kwe-kwentuhan.

"Oy nakita niyo na ba yung kwarto niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Yep! Tinuro samin ni Lucas, ganda nga ng kwarto e" ngiting sabi ni Austin.

"May wifi doon sa kwarto niyo, doon din ang password malapit sa wifi." Ngiting sabi ko, tumango naman sila.

"Oy Justin san na yung chuckie na binili natin kay Bestfriend?" Tanong ni Xavier.

"Ay oo nga pala! Hoy Xavier, ako ang bumili nun di ikaw!" Reklamo naman ng isa.

"Edi ikaw na!"sigaw naman ng isa.

Umakyat sa taas si Justin at bumalik na may dalang tatlong chuckie. Tsaka binigay sakin.

"Naks thank you justin, favorite ko pa naman ito" ngiting sabi ko. Ngumiti naman siya pabalik.

"Laro tayo CODm!" Sabi ni Xavier. "Bestfriend marunong ka ba nun?"

I'm Inlove With The Playboy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon