Chapter 10

27 1 0
                                    

Chapter 10

SAPO-sapo ni Electra ang ulo niya saka dahan-dahang iminulat ang mga mata niya pero muli niyang ipinikit 'yon at naisip na baka nananaginip lang siya.

Huminga siya nang malalim at muling iminulat ang mga mata niya  Black and white walls and curtains, trophies, pictures racing flags and limited edition collectable toy cars  'yon ang karamihan sa mga nakikita niya na nagbigay kompirmasyon sa kaniya na hindi ito ang k'warto nila ni Vanjo.

Sinabunutan niya ang sarili. Why do I always end up in Vandijk's bed when I'm drunk?!

Sinuri niya ang sarili niya. Iba na ang damit niya at paniguradong binihisan siya ng lalaki. Muli niyang sinapo ang ulo niya at inalala kung anong nangyari kagabi pero wala sumasakit lang lalo ang ulo niya. Ang naalala niya lang ay nung nagmamaneho siya... Sinuri niya ang sarili niya para tignan kung may galos ba siya at laking pasasalamat niya na wala. Mabuti na lang at nakarating ako dito ng buo.

Bumangon na siya sa kama saka pumasok sa banyo. Nang hubarin niya ang damit ni Vandijk na suot niya'y bumungad sa kaniya ang maraming kissmark sa dibdib niya.

What the hell?

Marahas siyang napabuntong-hininga at napadesisyunan na lang na maligo. Pagkatapos ay agad din siyang lumabas ng banyo at nakita niyang may malaking paperbag ng nakapatong sa kama. Tinignan niya 'yon at halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha nang makitang mga underwear ang mga 'yon. May mga damit rin siyang nakita. Mukhang kasisadong-kabisado na nito ang size niya.

Napabuntong-hininga siya at nakatapis ng tuwalya na lumapit sa pinto. Lalabas na sana siya nang marinig niya ang hagikgik ng isang babae. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto para silipin kung sino 'yon.

Nakita niyang may kausap si Vandijk na mukhang kliyente nito. Naningkit ang mga mata niya nang maalala niyang ito ang babaeng nagpaayos ng gulong nung unang punta niya dito.

Hindi maiwasang mapataas ng kilay niya sa ilang ulit na paghaplos nito sa braso ni Vandijk. Napakuyom ang kamay niya at kinagat ang pang-ibabang labi niya sa pang-gigigil na nararamdaman.

Sa limang taon nilang magkarelasyon ni Vanjo ay hindi siya naging ganito. Lapitin din ng babae si Vandjo pero ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng ganito. Inintindi niya muna ang siwasyon bago mag-react. Pero bakit pagdating kay Vandijk ay tila kumikitid ang utak niya at nagiging bayolente siyang mag-isip?

Isinara niya ang pinto at nagsimulang magbihis. Hindi niya sinuot ang mga damit na binili ni Vandijk bagkus ay pinakialaman niya ang closet nito at kumuha doon ng t-shirt nito. Sinuot niya 'yon at hindi na nag-abalang magsuot ng bra.

Tinuyo niya ang buhok niya pagkatapos ay muling lumapit sa pinto. Huminga muna siya nang malalim bago lumabas habang sapo-sapo ang ulo niya.

"Vandijk..." Tawag niya dito at umaktong masakit ang ulo niya. Masakit naman talaga. Malamang dahil sa hang-over pero kaya niya namang tiisin. Hindi niya lang alam kung anong sumapi sa kaniya at naisipan niyang umakto ng ganito.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya pero agad ding nagmulat para tignan si Vandijk na ngayon ay papalapit na sa kaniya.

"Hey, baby... You okay?" Malambing na tanong nito dahilan para mag-party ang mga organs sa loob niya. Damn. 'Yon pa nga lang nagbubunyi na ang katawang lupa niya paano pa kaya kung--- a basta! wala!

Lumapit siya dito at ipinulupot ang mga braso sa ibaba lang ng dibdib nito at inihilig ang pisngi niya sa balikat nito habang ang mukha niya'y nakaharap sa leeg nito.

"My head hurts," pag-susumbong niya saka isiniksik ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy 'yon.

Hindi niya alam kung anong meron sa amoy nito at tila ba kumakalma ang buong sistema niya pero ang puso niya naman ay hindi magkamayaw sa sobrang bilis ng pagtibok lalo na nang maramdaman niyang hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. Nakapulupot ang mga braso nito sa bewang niya habang ang baba nito'y nakapatong sa ibabaw ng ulo niya.

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon