Chapter 9

32 1 0
                                    

Chapter 9

NANGUNOT ang nuo ni Electra nang bumungad sa kaniya ang malaking gate at may dalawang g'wardyang nakabantay.

Kelan pa nagkaroon ng malaking gate ang kompanya ni Vandjo?

Tumikhim siya at pilit na iminumulat ang mga niya saka inayos ang sarili niya para hindi mahalatang lasing siya. I'm not drunk... Nakainom lang. Tumango-tango siya saka ibinaba ang bintana ng sasakyan niya para kausapin ang g'wardya.

"Good evening po, Manong," nakangiting bati niya dito.

Nginitian rin naman siya ng g'wardya. "Good evening po, Ma'am. Kayo pa pala," saad nito saka sinenyasan ang isang g'wardya na buksan ang gate. Kahit nagtataka'y tinanguan niya lang ito saka pinaandar ulit ang sasakyan para makapasok.

Ipinasok niya ang kotse sa napakalaking garahe at hindi niya maiwasang humanga sa lawak ng lugar at sa mga naka-park na mga sasakyan na para bang binebenta ang mga 'yon. Kaunti na lang ang mga tao at karamihan dun ay naglilinis. Mukhang pauwi na rin ang mga ito.

Kung makapaglakad siya'y hindi aakalain na lasing siya dahil tuwid siyang maglakad pero ang totoo'y umaalon-alon na ang paningin niya at anumang oras ay matatangay na siya ng antok pero pilit niyang linabanan 'yon.

Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa harap ng opisina ni Vandjo at nang pumasok siya'y para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang madatnan niyang may nakakandong ditong babae.

Napatingin sa kaniya ang dalawa nang may pagtataka. Gusto niyang sugurin ang babae pero mas pinili niyang ikalma ang sarili niya saka dahan-dahang naglakad palapit sa isang tool box saka kinuha ang wrench na nakita niya.

Nagtataka siya kung bakit may tool box sa opisina ni Vandjo at tila nag iba ang ambiance ng opisina nito pero hindi niya na pinagtuunan ng pansin 'yon.

Itinutok niya ang wrench sa babaeng nakakandong kay Vandjo. "Lalabas ka ng matiwasay o lalabas kang maraming bukol sa ulo? Choose!" Banta niya dito na iningusan lang nito.

"Teka---Sino ka ba?!" Singhal nito sa kaniya.

Nginisihan niya naman ito. "I guess you choose number 2," saad niya saka naglalad palapit dito pero bigla itong napatili at mabilis nakaalis sa kandungan ni Vandjo at dali-daling lumabas.

Nakangisi siyang lumapit sa pinto at inilock 'yon. "Wala ng istorbo," saad niya at pabagsak na ibinalik ang hawak niya sa kinalalagyan nito at seryosong humarap sa magaling na lalaki.

"So, ito pala ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong niya dito.

"What are you doing here? It's late," saad nito imbes na sagutin ang tanong niya.

"H'wag mong ibahin ang usapan!" Singhal niya dito.

Kita niya ang kaguluhan sa mukha nito dahil sa inaakto niya pero hindi ba dapat ay nagso-sorry ito sa kaniya at nagpapaliwanag?

Napahawak siya sa pader para alalayan ang sarili niya nang nakaramdam siya ng hilo. Tumayo ito at sinubukang lumapit sa kaniya pero itinaas niya ang mga kamay niya para sabihing wag itong lumapit.

Muli siyang umayos ng tayo pero mukhang nilulukob na siya ng kalasingan kaya unti-unti na siyang nawalan ng balanse pero mabilis na lumapit sa kaniya ang lalaki at inalalayan siya.

"What the fuck baby?! Are you drunk?!" Gulat na sabi nito sa kaniya na ikinatawa niya. Tila nawala sa isip niya ang nakita niya kanina.

Sinapo ng isang kamay nito ang mukha niya habang ang isa naman ay nakapulupot sa bewang niya.

Napatingala siya sa g'wapo nitong mukha saka sinundot-sundot ang pisngi nito. "Bakit ang g'wapo-g'wapo mo, Van?" Tanong niya dito.

"Pareho kaming may Van sa pangalan pero alam kong hindi ako ang tinutukoy mo," saad nito na parang batang nagmamaktol.

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon