Chapter 17

41 1 0
                                    

Chapter 17

MABILIS na lumipas ang araw at hindi namalayan ni Electra na limang araw na ang lumipas simula nang umalis ang magkapatid. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Vandijk nung araw na 'yon ay wala na siyang narinig tungkol dito, ganun din kay Vanjo. Hindi dahil hindi siya tinatawagan o kinakamusta ng mga ito kun'di dahil sinadya niya talaga na walang marinig tungkol sa dalawa.

Wala siyang sinasagot na tawag mula sa kambal at ni isang letrang reply manlang sa message ng mga ito'y hindi niya ginawa. Gusto niyang gamitin ang oras ng pag-alis ng magkapatid para sa sarili niya, para makapag-isip at makapag-reflect siya sa mga desisyong ginawa niya.

Pero hindi niya naman pine-pressure ang sarili niya dahil masama 'yon, nakakabaliw. Inaabala niya rin ang sarili niya sa trabaho at sa flowershop sa tuwing nasusobrahan na siya sa pag-iisip. At dahil naging abala siya sa trabaho nang mga nakaaang araw, ngayon naman ay naisip niyang magpahinga at i-indulge ang sarili.

Naisipan niyang mag-shopping at bilhin kung ano man ang matipuhan niya. Gusto niya sanang isama si Rochelle at si Jersia pero may klase ang dalawa kaya naman mag-isa siya na swak na swak sa 'Me' time niya.

Napatingin siya sa sales lady na nag-aasist sa kaniya para tignan ang mga kinuha niyang damit na bitbit nito at natigilan siya nang mapansing halos lahat ng dala nito'y mga panglalaki.

"Akin ba 'yan?" Paninigurado niya na ikinakunot ng nuo nito at nang makabawi ay ngitian siya nito kahit kita niyang naguguluhan pa rin ito.

"Yes po, Ma'am. Ina-assist ko na po kayo simula kanina," sagot nito sa tingnan ang mga dala nitong damit. "Para sa Boyfriend niyo po ba ang mga ito?"

Natahimik siya saka nag-iwas ng tingin dito nang maramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.

"Silence means yes po hindi ba?" Tudyo nito. "Siguradong matutuwa po ang Boyfriend niyo!"

Muli siyang napatingin sa mga dala nito at gusto niyang i-umpog ang sarili niya sa pinakamalapit na pader nang makitang halos lahat ng t-shirt at polo na hawak nito'y may kotseng nakaimprenta or mga statement or phrase tungkol sa kotse.

'Me' time pala ha! Sabad ng kabilang isip niya na ikinainis niya.

Obviously si Vandijk ang nasa isip niya habang kinukuha ang mga damit na 'yon at hindi niya namalayan na kinukuha niya lahat ng mga damit na nakakapagpaalala sa kaniya kay Vandijk... At ngayon niya lang napagtanto na una niyang pinuntahan ang Men's section nang may makita siyang t-shirt kanina na may picture ni lightning McQueen at hindi niya na namalayan ang oras dahil masyado siyang nag-enjoy sa pamimili ng damit para kay Vandijk.

Nang mabayaran niya 'yon ay agad siyang pumunta sa paborito niyang boutique para mamili ng mga damit niya pero wala naman siyang mapili, kumukuha siya pero para kina Jersia at Rochelle ang mga 'yon hanggang sa na-bored na lang siya kakaikot kaya binayaran niya na ang mga damit saka lumabas na at naglibot-libot pero natigilan siya nang may mahagip ang mga mata niya.

"Judy?"

Kalalabas lang nito mula sa isang salon at gaya niya'y natigilan din ito nang makita siya.

"Ms. Electra!" Bati nito sa kaniya.

Nginitian niya ito at naglakad siya papalapit dito. Why is she here? Sa pagkakaalala niya'y kasama ito ni Vanjo sa business trip... Nakauwi na ba ang mga ito? Pero bakit hindi tumawag sa kaniya ang nobyo?

"Kamusta ang business trip? Hindi naman siguro pinagkaguluhan si Vandjo doon 'no?" Saad niya.

Natawa ito saka umiling. "Ay naku, Ms. Electra. Sa sobrang busy ba naman ni boss ay wala siyang oras para bigyang pansin ang mga 'yon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon