Chapter 12

22 1 0
                                    


Chapter 12

KASALUKUYANG nag-aayos ng mga bulaklak si Electra sa simbahan for final touches dahil sa gaganaping kasal bukas. Sa kaniya umorder ng bulaklak ang suki niyang event organizer at siya na mismo ang nag-arrange ng mga ito kasama si Rochelle at ang iba pang crew.

Napahinto siya sa ginagawa niya nang mag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa.

From: Electra's baby

I miss you 😔

Napailing na lang siya dahil sa ipinangalan ni Vandijk sa sariling number nito.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa simpleng text nito. Simula kaninang umaga'y napakarami na nilang ginagawa, ni hindi niya nga maalala kung nakaupo na ba siya dahil sa dami ng ginagawa nila na talaga namang nakakapagod pero tila ba napawi ang lahat ng 'yon dahil sa simpleng text ni Vandijk.

"Ang saya natin, Ate ah?" Usisa ni Rochelle at nanunudyong itinaas baba ang kilay.

Nginisihan niya lang ito saka isinilid niya ang cellphone sa bulsa at muling ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

ALAS TRES ng hapon nang mapagdedisyunan niyang bumalik sa flower shop para asikasuhin naman ang mga bagong paparating na mga bulaklak habang si Rochelle lang muna ang bahala sa lahat. Pagkatapos maideliver ang mga bulaklak sa flowershop niya'y inasikaso niya naman ang ibang orders lalo na ang mga minamadali na.

Madilim na nang makabalik si Rochelle sa flowershop. Pinagpahinga niya muna ito sandali at di nagtagal ay pinauwi rin. Siya na ang nagsara ng flowershop pagkatapos ay napagdedisyunan niya ng umuwi sa bahay niya. May session siya bukas ng umaga kaya hindi muna siya uuwi sa mga Humphrey.

Nagsend lang siya ng message kay Vanjo na hindi siya makakauwi sa Mansyon dahil sa schedule niya bukas na agad naman nitong naintindihan.

Pagud na pagud siyang pumasok sa bahay niya at paniguradong makakatulog siya agad sa oras na lumapat ang likod niya sa kama. Isinara na ng assistant niya ang clinic at sa malamang ay nakauwi na rin ito.

Nang makapasok siya sa bahay niya'y agad siyang nahiga sa mahabang sofa. Hindi niya na nahubad ang sapatos niya dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Ni hindi niya nga naalala kung kumain ba siya kanina dahil sa dami ng ginawa niya. Ayos dito, ayos doon. Takbo dito, takbo doon... Mabuti na lang at wala siyang pasyente ngayong araw kaya nakapag focus siya sa trabaho niya kanina.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang text ni Vandijk kanina.

From: Electra's baby

I miss you😔

Wala sa sarili siyang napangiti saka nagsimulang magtype. Dahil sa dami ng ginagawa niya'y hindi niya ito na-replyan kanina.

To: Electra's baby

I miss you too.

Ilang minuto muna siyang naghintay kung magre-reply rin ito pero mukhang may ginagawa yata. Napabuntong-hininga siya at napikit pero bago pa man siya tangayin ng antok ay saktong tumunog ang doorbell. Napamulat siya at napabangon. Wala naman siyang inaasahang bisita ah?

Binuksan niya ang pinto ng hagdanan na hindi konektado sa clinic para diretso siyang makababa papunta sa main door at nang buksan niya 'yon ay agad siyang natigilan...

Formal suit, fixed hair, serious expression and no mole in the left cheekbone.

"V-van... i-ikaw pala." Nginitian niya ito saka linuwagan ang pagkakabukas ng pinto. "P-pasok ka."

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon