Chapter 13

21 1 2
                                    

Pasensya na po kung sobrang tagal at sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nawalan ako ng phone at nawala ang mga isinulat ko, actually nasa Chapter 30+ na 'to sa notes ko kaso hindi ko pa ipinublish na ngayon ay talagang pinagsisisihan ko😭 Balik ulit ako sa pagsusulat nito at ng iba ko pang mga stories😢. I really wanted to revise the plot kaso marami pa akong isusulat especially the SIS#3, maybe next time. Good luck to me, anyway Enjoy reading❤.




Chapter 13

NAALIMPUNGATAN si Electra nang maramdaman niyang parang may nakadagan sa tiyan at hita. Pilit niyang tinatanggal 'yon pero bumabalik lang 'yon at mas iniyapos pa siya nito na para bang tatakbo siya sa kung saan.

Napamulat siya ng mata ay bumungad sa kaniya ang maamong mukha ni Vandijk na mahimbing na natutulog habang nakatanday ang isang hita sa kaniya at nakayapos ang isang braso sa bewang niya.

Napatingin siya sa orasan na nasa night stand at nagulat siya nang makitang alas tres na ng madaling araw. Bumaling siya sa katabi at tinitigan ang mukha nito. Pinaglandas niya ang daliri niya sa matangos na ilong nito pagbaba sa malambot nitong labi. Nangungunot ang nuo nito na lihim niyang ikinatuwa.

He looks so innocent when sleeping... Pero kung gising? Hindi na lang ako magsasalita.

Napatingin siya sa paligid. Nasa kwarto na siya at nakadamit pantulog. Mukhang binihisan na naman siya nito.

Muli siyang bumaling dito at bahagyang yinogyog ang braso nitong nakapulupot sa kaniya.

"Vandijk..."

Naalala niyang sinabi nito kanina may flight ito nung 11 PM pero anong oras na. Kung umalis ito kanina'y paniguradong nasa himpapawid na ito ngayon.

"Vandijk... Wake up," panggigising niya ulit dito at bahagyang hinipan ang tenga nito dahilan para mapaungol ito na para bang bata na naistorbo sa pagtulog.

"Stop that, baby..." Inaantok nitong sabi at isiniksik ang mukha sa leeg niya.

"Akala ko ba may flight kang hinahabol kaninang 11PM? Alas tres na," saad niya pero imbes na magulat at mapabalikwas ay mas hinapit pa siya nito.

"I don't care... Ako ang pinakahinintay nila dun, I'll be the one to sign the contract. They have to wait for me," tamad na sagot nito na ikinailing niya.

Natuon ang atensyon niya sa t-shirt na suot nito. Mukhang naghalungkat ito sa closet niya.

"Where did you get this?" Ang t-shirt na suot nito ang tinutukoy niya.

"In your closet..." Sagot nito.

"It's Vandjo's."

Biglang lumayo ang mukha nito sa leeg niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na bumaling dito. Nangungunot ang nuo nito at parang hindi gusto ang narinig.

Binibilhan niya rin ng mga damit si Vandjo sa tuwing nagsho-shopping siya pero hindi naman nito ginagamit. Halos bago pa ang lahat ng mga damit na 'yon.

Naiiritang bumangon si Vandijk at basta hinubad ang t-shirt na suot nito at itinapon sa kung saan. "Kay Vanjo rin ba 'to?" He asked referring to the boxer that his wearing. "Should I take it off too?"

"Akala ko binili mo 'yon para sa'kin," pagmamaktol nito na ikinatawa niya lang at muli itong hinila pahiga. Kung kanina ay ito ang nakayapos sa kaniya ngayon ay siya naman. Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy ito.

Napakabango talaga ng mamang ito. His scent is like a drug to her, she's getting addicted to it.

"Pumupunta din ba si Vandjo dito?" Usisa nito na agad niya namang tinanguan bilang sagot.

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon