Chapter 2

46 2 0
                                    

Chapter 2

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Electra. Wala pa rin si Vandjo. Kanina'y tinawagan niya ito ulit pero hindi na ito maka-contact. Nag-aalala na siya sa binata dahil masyado nitong ginugugol ang sarili sa trabaho baka magkasakit ito.

Bumangon siya at naisipang lumabas para kumuha ng pagkain. Bigla siyang nakaramdam ng gutom kakaisip sa busy niyang boyfriend. Nang makalabas siya'y napaigtad siya nang makita niya si Vandijk na nakasandal sa gilid ng pinto na para bang hinihintay siyang lumabas.

Lumingon-lingon siya para tignan baka may makakita sa kanila pero doon niya lang naalala na wala palang stay-in na maid ang Mansyon dahil masyadong conscious ang mga Humphrey sa reputasyon ng mga ito. Hindi basta-basta nagtitiwala ang mga ito.

"Anong---" naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang higitin nito ang kamay niya at hinila papunta sa k'warto nito.

"T-teka!" Usal niya dahil sa bilis ng lakad nito na para bang walang cast ang paa nito.

Pagkarating nila sa k'warto nito'y pinaupo siya nito sa kama. Napatingin naman siya sa first aid kit na nandun din sa kama.

"Clean my wound," ma-awtoridad nitong sabi at basta na lang hinubad ang damit nito at doon tumambad sa kaniya ang maganda nitong katawan... His broad shoulders, chest, and his abs na para bang inukit 'yon--- natuon ang atensyon niya sa tagiliran nito nang makita niyang may gauze doon at may bahid ng kaunting na dugo. Baga dumugo 'yon dahil sa paggagagalaw ito.

Napabuntong-hininga na lang siya at sinimulang linisin ang sugat nito. Hindi niya na natanong kung ano bang nangyari, wala siyang lakas ng loob. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses siyang napalunok sa tuwing dumadapo ang kamay niya sa balat nito.

Muli ay napalunok siya at Napakurap-kurap para makapag-concentrate siya pero nasira 'yon nang bigla na lang siya itulak nito pahiga sa kama at siniil ng nakakalunod halik. Napasinghap siya nang sapuin nito ang dibdib. She moaned and he grabbed the chance to slid his tongue inside her mouth.

Naramdaman niyang itinaas nito ang night gown niya at hahawakan sana siya 'dun' nang matauhan siya at malakas itong itinulak.

Napabalikwas siya ng bangon at hinihingal na tumayo. "What are the hell are you doing?!" Singhal niya dito, "I am your brother's girlfriend! You shouldn't have done that!"

Nagkibit-balikat lang ang magaling na lalaki.

"So?"

Napapantastikuhan niya itong tinignan. "Anong so?!"

Natawa lang ito at napailing. "Ipagpatuloy mo na ang paglilinis sa sugat ko... Wala akong ibang mautusan dahil umuwi na ang mga maid."

"Promise me you won't do that again," may diin niyang sabi pero tinitigan lang siya nito, "Promise me!"

"Okay, okay... I promise," natatawang sabi nito at hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi pero pinagpatuloy niya na ang paglilinis ng sugat nito para makaalis na siya.

"About what happened that night..." Saad niya nang matapos siya sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung nasaan niya napulot ang lakas ng loob na buksan ang usapang 'yon.

"I know, I know... Don't worry I'm willing to be your dirty little secret," sabi nito.

"Hindi naman mangyayari 'yon kung hindi ako nagpakalasing and you're not drunk you should have stopped me," giit niya.

"At ngayon sinisisi mo ako?" Reklamo nito, "I thought I was just dreaming that's why I wasn't able to stop you," dagdag pa nito at bigla na lang inilapit ang mukha sa kaniya ilang pulagada lang ang layo at kunting galaw lang ay magtatagpo ang mga labi nila.

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon