Chapter 8

31 0 0
                                    

Chapter 8

"NAY, kamusta ka diyan?" Tanong niya sa puntod ng nanay niya sa ilinagay ang bulaklak at nagsindi ng kandila.

"Naghihimotok ka siguro sa galit dahil sa pinaggagagawa ko?" Napabuntong-hininga siya saka marahas na sinuklay ang buhok niya.

"Gulong-gulo na po ako, 'Nay... Siguro kung nandito ka paniguradong pinagkukurot mo na ako sa singit dahil sa mga ginagawa ko." Napabuntong-hininga siya at tumingala sa langit. "Pero bakit ganun, 'nay? Kung saan ako nakakaramdam ng kasiyahan dun pa sa hindi p'wede?"

Pagak siyang natawa nang sumagi sa isip niya si Vandijk. "Ilang buwan pa lang kaming magkakilala ni Vandijk pero lubos niya na akong napapasaya. Kahit ultimo presenya niya. Masaya na ako... Kahit alam kong mali 'yon kasi may boyfriend ba ako which is kapatid niya. Kakambal niya. Kamukhang-kamukha niya. Ano bang dapat kong gawin, 'nay?"

Tanging malamig na hangin lang ang sumagot sa mga tanong niya.

Ilang oras din ang itinagal niya sa puntod ng nanay niya. It's quiet and it's giving her some kind of peace of mind.

Napabuntong-hininga siya bago magpaalam sa nanay niya at umalis ng sementeryo. Dahil hindi siya nakapag-agahan ng maayos ay nakaramdam siya ng gutom kaya naman naisipan niyang pumunta sa isang Cafe para kumain.

NASA kalagitnaan siya ng pagkain nang may tumawag sa kaniyang isang babae at agad siyang napangiti nang makilala niya ito.

"Oh! Hi, Merin!" Masayang bati niya dito. "Kamusta ka?"

Pinaupo niya ito sa bakanteng upuan. "Ayos naman ako... Maayos na."

Napangiti naman siya dahil sa isinagot nito. Si Merin ang isa sa mga pasyenteng tinulungan niya. Kung titignan ito ngayon ay malaki na ang pinagbago nito. Nang magpunta ito sa kaniya noon ay walang kabuhay-buhay ang mga mata nito at para bang anumang oras ay susuko na ito sa buhay. Kaya masaya siya na natulungan niya itong lumaban at bumangon.

Huminga ito ng malalim at ngumiti sa kaniya. "Anyway... mabuti na lang nakita kita dito. Naalala mo yung kinunsulta ko sa'yo nung pinakaunang session natin?"

Napatango naman siya nang maalala niya ang tinutukoy nito. "So, how was it? Where did it take you?" Tanong niya na para bang ito ang unang session nila. Alam niya na ang k'wento ng buhay nito at alam niya na ang mga isasagot pero parang pareho nilang gustong balikan ang nakaraang 'yon.

Mapait itong ngumiti at nagkibit-balikat. "Devastation," sagot nito at kita niya ang pagdaan ng sakit sa mukha nito pero agad ding nawala at napalitan ng kasiyahan. "But before that, I was happy."

"Naalala mo nung unang beses akong nagpunta sa'yo?" Natawa ito at tumango naman siya. "Nasabi ko sa'yong may boyfriend ako pero in love ako sa iba..."

Natigilan naman siya at napatitig dito nang wala sa oras. Ngayon lang sumagi sa isip niya na may pagkakapareho pala sila ng sitwasyon.

"And I was so confused at that time... And then you told me to go with the flow and see where it'll take me. Not the typical advise that I was expecting. Kasi sa mga sinabihan ko nun ang unang nagiging sagot nila'y itigil ko dahil mali 'yon."

"Gustuhin ko mang itigil pero ayaw naman ng puso ko... So I followed your advice. Go with the flow. But it takes me to devastation." Tinitigan din siya nito. Pakiramdam niya'y sinisisi siya nito pero wala siyang makapang paninisi sa boses at tono ng pagsasalita nito bagkus ay kasiyahan ang nakikita niya dun.

"At first, nagalit ako kasi sinunod ko ang payo mo... But later on I realized that if I didn't followed your advice, I wouldn't feel that indefinite happiness. No words can explain how happy I am. Pero alam kong may hangganan ang lahat at inaasahan ko ng hindi magiging maganda ang resulta ng mga desisyong ginawa ko."

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon