Chapter 3

39 1 0
                                    

Chapter 3

"MALI 'yan!" Usal niya dito dahil hindi nito makuha ang instructions niya sa pag-aarangge ng mga bulaklak kahit napaka-simple lang nun. Hindi niya na alam kung sinasadya ba nitong hindi ayusin para inisin siya o ano.

"What about this?" Tanong nito at napabuntong-hininga na lang siya dahil sa pinagagagawa nito sa mga bulaklak. Para itong namulestya ng napakagwapong car enthusiast.

Pinabayaan niya na lang ito at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak na kukunin na mamaya ng mga umorder.

"Kamusta pala ang paa mo?" Tanong niya dito at hindi na nag-abalang tignan ito pero nakita niya sa gilid ng mata niya na natigilan ito.

"It's getting better," Sagot nito saka inusog ang upuan nito palapit sa kaniya.

"What are you doing?" Tinignan niya ito pero sana ay hindi niya na lang ginawa dahil gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila.

"So I can concentrate," giit nito at hindi niya alam kung sinadya ba nitong palalimin ang boses o talagang natural lang 'yon.

Tumikhim naman siya at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya. "P'wede ka namang mag-concentrate na hindi masyadong malapit sa'kin," usal niya dito pero imbes na makinig ang magaling na lalaki ay mas lalo pa itong lumapit.

"Thank you for listening," sarkastikong saad niya dito pero tumawa lang ang loko saka inayos ang takas na buhok niya at ilinagay 'yon sa gilid ng tenga niya. Bigla namang lumukso ang puso niya dahil sa ginawa nito sa hindi malamang kadahilanan.

"Just continue what you're doing," mahinang sabi nito at dahil kailangan niya ng matapos ang mga bulaklak ay pinabayaan niya na lang ito at mas piniling kausapin ito para hindi naman siya mailang.

"Ano nga palang nangyari?" Panimula niya. Natigilan siya dahil sa tanong niya. Wrong question, Electra.

Bumaling siya dito at naiilang itong nginitian. "Okay lang kung ayaw---"

"Accident."

Napakurap siya at napatitig dito. Hindi niya naman inaasahan na sasagutin nito ang tanong niya.

"Natural lang naman 'yon sa mga driver na gaya ko at talagang hindi 'yon maiiwasan..."

Nagtatakang napatitig siya dito. "I'm just curious. Sino yung babaeng tinutukoy ng Daddy mo?" Nginisihan niya ito. "Hindi ko naman sinasadyang marinig 'yon," depensa niya.

"She's Kaye... She's a journalist. She's with me when the accident happened." sagot nito.

Napaisip naman siya. Halos isang linggo niya pa lang nung magkita sila ng binata at hindi niya pa ito masyadong kilala pero masasabi niyang maingat ito at hindi lang basta-basta maaaksidente ng ganun. And he's a racer. He loves cars. Alam niyang magaling itong magmaneobra ng sasakyan.

"You did it on purpose," saad niya na ikinatigil nito. Titig na titig ito sa kaniya at para bang sinasabi ng mga mata nito imposible ang sinasabi niya.

"She's a journalist. And your family is very sensitive about their good reputation. Kaya naisip ko na baka pasimpleng kumukuha ng impormasyon ang journalist na 'yon tungkol sa ikakasira ng pamilya niyo that's why you did the 'accident' thing," hula niya. "Am I right?"

Napasuklay ito ng buhok at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya saka tumango. "Yeah... That's right. I did it on purpose," pag-amin nito. Hindi niya alam kung bakit siya natutuwa na inamin nito sa kaniya ang totoong nangyari. "She was planning something at akala niya kakampihan ko siya. So I asked her on a date at pumayag rin ako na magpa-interview sa kaniya, sagutin ang mga tanong niya and then boom... At dahil sa kaniya napuruhan ang baby kong si Cora. Kamusta na kaya 'yon? Hindi ko pa 'yon nabibisita ulit."

His Longtime DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon