" Makakapunta ka ba ngayon? Babe its my birthday today. " Kausap ko ngayon sa Bright sa phone. We've been busy earlier at madalang nalang kaming nagkikita dahil sa shoot." Titingnan ko babe. Hahabol ako promise. Sige ibaba ko na to. " Aniya kaya napabuntong-hininga nalang ako.
" Bright let's go tawag na tayo ni direk. " Narinig ko naman ang boses ni Tontawan.
" Wait..Win I'll get going. "
" Okay pero sana naman- " Di ko na natapos ang sasabihin ko nung pinatay niya na ang tawag kaya umismid nalang ako.
" Dude its your birthday today so get rid of that lousy face of yours. " Arron said.
" You can't blame me dude. Palagi nalang tong nangyayari. Birthday ko ngayon at parang wala naman siyang balak na pumunta. " Umupo nalang ako sa couch saka inihagis ang phone ko.
" Busy kasi siya pre hindi naman niya ginusto yun. " Lumabas naman si Killey sa cr.
" Hello everyone nasaan na ba ang celebrant. " Malamya naman akong napaangat ng tingin nung dumating ang mom ko kasama si dad at Mick.
" What's wrong son? " Tinapik naman ni dad ang balikat ko at mabilis naman akong umiling.
" I'm okay dad everything is fine. " I just stood up and went to my room.
Nag-open naman ako ng social media accounts ko. At bumungad naman sakin ang mga posts about Bright and Tontawan's series.
' Ang sweet ni Bright kitang-kita sa mga titig niya kay Tu. Sila na nga kaya? '
' Perfect couple talaga silang dalawa. Sana sila nalang. '
' Omg minamyday ni Bright si Tu. What's the meaning of this? '
' Spotted sila guys oh sa isang cafe. '
Tiningnan ko naman ang picture at malinaw ang pagkakuha na silang dalawa ito at kumakain.
" I hate this feeling. " Sinirado ko ang laptop ko saka humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.
----------
Happy Birthday to you🎶
Happy Birthday Win🎶
Happy Birthday Happy Birthday🎶
Happy Birthday to you🎶Nakita ko naman si P'Bai na may hawak na cake at natigilan naman ako nung nakita ko si Tu sa likuran niya at magkahawak ang kamay nila.
" Bakit siya nandito? " Takang tanong ko at bumuntong hininga naman si P'Bai at ibinaba ang cake.
" Win I'm sorry but si Tontawan talaga... ang gusto ko. " Umakbay naman siya kay Tontawan kaya natulala nalang ako.
" Why? Why Phi? " Mabilis namang naglandas ang mga luha sa pisngi ko.
" Dude..dude wake up. " Naramdaman ko naman na may yumogyog sa balikat ko kaya napamulat nalang ako.
" What's the matter dude? Anong napanaginipan mo? Bakit Bright ka ng Bright? " Tanong naman ni Will. Mabilis ko namang pinunansan ang luha sa aking pisngi saka bumangon sa kama.
" Nothing sige bihis lang ako. " Kumuha naman ako ng towel saka pumasok sa banyo.
" Dude you okay? " Narinig kong sabi ni Killey.
" Lumabas na muna kayo I'll just prepare myself. " I said.
" Magsabi ka lang kung may problema ka. " Hinampas naman ni Arron ang pinto at narinig ko naman ang mga yapak nila palabas ng kwarto ko.
YOU ARE READING
The Off Cam ( Completed )
Short StoryWin Metawin is a man who dreamed to be a famous actor. He auditioned and auditioned but he just got a small role or can be called as an extra. Until one day an offer comes to his life but it is beyond his expectation. " Win I will protect you at all...