≡ ≡ ≡ ≡ ≡
"Dito muna girlfriend ko, tapusin lang namin 'to" sabi ni Chael kay Elle nung hinatid n'ya ako pababa ng stage matapos nang nangyaring 'yon.
Sinalubong agad ako ng yakap ni Elle pagbaba habang si Chael ay bumalik na sa stage para tapusin ang kanta at magpasalamat sa lahat ng mga pumunta.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa backstage kung saan nag-aayos na ang lima para umuwi. Naabutan namin sila doon na inaasar at kinocongrats si Chael.
"congrats binata ka na" sabi ni Carl
"Akala ko pa naman didiligan mo pa ako ng pagmamahal mo" asar naman ni Japs habang tamihik lang sa gilid si Rj which is unusual kasi sabi ni Elle makulit ito lalo na at bunso sa grupo.
"Oh andito na pala girlfriend ko. Una na kami sa bahay kita kita nalang tayo doon" sabi ni Chael nung nakalapit na ako sa kan'ya.
"Yabang girlfriend. Ano ba pinakain sa'yo neto Alie. Duda ako e" sabi ni Carl sabay tawa. Tumawa nalang din ako
"Sige pre kita kita nalang tayo sa inyo, pagkain din 'yon" singit ni Josh nung palabas na kami ni Chael.
Si Elle naman ay nagpa-iwan doon pero ang sabi n'ya ay hindi raw s'ya sasama papunta kila Chael.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Chael nung nasa sasakyan na kami.
"Hmm, medyo"
"Huwag kang kabahan, nasa tabi mo naman ako e. Di naman nangangain sila Mama."
"Andito na tayo, relax ka lang" sabi n'ya with a reassuring smile nang nasa harap na kami ng isang simpleng bahay at nagpark na siya. Pagkatapos ay pinagbuksan n'ya ako ng pinto.
Papasok ay hinawakan ni Chael ang aking kamay. Nagulat ako nung una pero while he's holding me I felt secured. Hindi na rin ako masyadong kinabahan. Dumiretso kami sa likod ng bahay nila. Doon yata ang celebration para sa birthday n'ya.
Pagpasok namin ay sinalubong agad si Chael ng pamilya n'ya na may dalang cake at kumakanta ng happy birthday.Napabitiw ako sa kan'ya.Nakakahiya kasi.Andon na rin yung mga ka banda n'ya. Nauna pa sila sa amin. Siguro ay dahil nag stop over pa kami ni Chael sa isang gasoline station dahil naiihi ako kanina at medyo natagalan pa kami roon.
"Wish ka na anak and blow your candle" sabi nung medyo matanda ng babae pero kita pa rin ang ganda n'ya. Tinanggap naman ni Chael ang cake pumikit s'ya at binlow ang candle. Pagkatapos ay bumalik na sila sa kaniya-kaniyang upuan. Parang hindi ako nakita ng pamilya n'ya o baka iniisip nila na isa lang ako sa kaibigan ni Chael.
Nagsimula na ang kainan at pinaupo ako ni Chael doon sa mga kabanda n'ya.
"Anong gusto mong kainin?" si Chael
"Kahit ano, hindi pa naman ako gutom" sagot ko pagkatapos ay umalis na s'ya at kumuha ng pagkain.
"Mama ba ni Chael yung kanina?" I asked Carl kasi mukha naman s'yang friendly at nasa iisang table nga kami with the other three of TJ.
"Yung may hawak nung cake?" Tumango ako.
"Oo, tapos yung papa n'ya ay yung katabi non tapos yung dalawa pa n'yang kapatid ando'n din" sabi pa ni Carl.
YOU ARE READING
Hatid (The Juans Series #1)
FanfictionAliesa Martin a woman with big dreams already planned her future. In the process of achieving her dreams, she met Chael Adriano a member of a famous band, who will shaken the future she planned. ≡fanfic